“Dapat pala, Pearl, dumalas ang punta mo rito para turuan si Ate Natalie gumawa ng pistacio falvor cake,” biro ni Annie.
Nagulat si Natalie sa sinabi ni Annie. “Ah, Pearl, dito rin pala kayo nakatira dati ni Kuya Jeff?” tanong niya habang kumukuha ng isang hiwa ng pistacio falvor cake. Mahilig siya sa matatamis kaya hindi na siya nagdalawang-isip tikman ang gawa ni Pearl.
“Ah, oo, matagal na iyon. Mga lima o anim na taon na ang nakalipas,” sagot ni Pearl na tila napaisip sa saglit.
“Ganoon ba? If you don’t mind, bakit kayo umalis dito sa mansion?” tanong ulit ni Natalie na puno ng inosente ngunit palasak na pag-uusisa.
“Hmm, choice lang namin ni Jeff. Nagbuntis na rin kasi ako noon kaya mas komportable kami sa sariling bahay,” sagot ni Pearl na may bahagyang kaba sa boses.
Bigla namang nag-iba ng usapan si Carmi, tila may ayaw nitong pag-usapan nang mas malalim.
“Natalie, congratulations! I heard from Haime na marami kang bagong projects ngayon,” sabi nito na may pagmamalaki sa manu