AT HAIME’S FAMILY HOUSE
"Tingnan mo yang si Natalie, akala mo naman wala siyang ginagawang masama. Siya pa ang may lakas ng loob na magmalaki. Hindi na nga sumasabay sa inyo sa pagkain, ni hindi pa makisama. Iba na talaga ang mga nagloloko ngayon, sila pa ang matatapang. Tsk! Tsk! Dapat hindi niyo hinahayaan na ganyanin niya si Haime," bulong ni Pearl kay Annie pero halatang pinaparinig niya ang lahat ng sinasabi niya sa akin. "Saka ilang araw na siyang hindi umuuwi. Imposibleng kasama niya lang mga kaibigan niya. Baka naman kay Oliver na siya tumitira," dagdag pa ni Pearl, tila binubuyo si Annie.
Paakyat na sana ako ng hagdan, ng makasalubong ko sina Annie at Pearl. Papunta sa garden, pero bigla akong hinila ni Annie sa braso. Nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.
“Bakit hindi ka na sumasabay sa amin kumain, Natalie? Don’t tell me nag-dinner ka na naman sa labas kasama ang mga friends mo?!” Sarkastikong tanong ni Annie, puno ng galit. Ramdam ko ang higpit ng pag