She took a very deep breath and smiled sadly. After her argument with her mom, si Daze na ang nagtaboy nito pauwi bago si Daze rin umuwi. Siguro ay angel in disguise ang pagpunta ng kanyang pinsan dito kasi for the first time, bukod kay Bella, mayroong kumampi sa kanya.
Niyakap niya ang plushie na lagi niyang dala-dala kahit saang bansa man siya magpunta. She closed her eyes and bit her lower lip. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mag-sink in sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Daze.
All this time, her father, na matagal niya nang kinalimutan at inisip na wala na ito sa mundong ibabaw, ay concerned pa rin sa kanya? Pero bakit? Why would he even bother? Iniwan na siya nito noon, ‘di ba? What’s the reason for him to act like that? Hindi na ba siya mahal ng pamilya niya o ano?
She bit her lower lip and sighed. Tumayo na siya at nagtungo sa terrace ng kanyang hotel room. Binuksan niya ang pinto palabas ng terrace at sinalubong siya ng malamig na ihip ng hangin sa mukha. It’s already nine