“Ang sakit ng ulo ko,” reklamo niya sa binata.
Mahina itong natawa at nilapitan siya. Nakasimangot lang siya rito habang ang binata ay panay ang tawa. Tumatawa ring lumapit sa kanya si Lucky at yumakap sa kanyang beywang.
Nandito sila sa Rock Pools, ang kanilang huling destinasyon sa araw na ito. Dalawang araw na lang ang natitira at babalik na sila sa Maynila. And to be honest, parang ayaw niya nang umalis. She wanted to stay here forever with Lucifer and Lucky. Never in her life felt this much contentment.
Ngayon lang. And sadly, fate will take them away again.
“Masakit pa?” tanong ni Lucifer nang halikan nito ang kanyang ulo.
Paano ba naman kasi, hindi niya alam na mayroon palang bato roon sa pwesto kung saan siya nag-dive. Mabuti na lang at hindi masyadong malakas ang impact ng pagkakauntog niya. Sapat lang para hindi siya magkabukol.
“Mommy, why are you wearing shirts? Why don't you wear bikinis like them?” Sabay turo ni Lucky sa mga babaeng nakasuot ng bikini.
Nag-angat si