ANNA POV:
Mula sa pinagkukublihan ko sa balkonahe, nakita kong natigilan si Marco. Matagal. Na parang may hindi napagkasunduan ang mga ito. Nagpaliwanag si Jared. At sa huli, nakatungo itong umalis palayo sa bahay. Parang nagpatiayon sa bagay na ayaw nitong gawin.
Masama ang loob.
Naging napakatagal para sa akin ng isang minutong paglalakad ni Jared pabalik sa bahay. Inabangan ko siya sa ibaba at pinunasan ko ang pawis niya sa mukha.
“Ano ang pinag usapan ninyo?”
Ikinulong niya ako sa loob ng maluwag na yakap, nakatungo sa akin, nakatitig sa aking mukha. “Tatlong araw akong mawawala, kailangan kong makipag usap ng direkta sa supplier para sa mas mabilis na construction dito. Siguraduhin kong may resulta na ang lahat pagbalik ko.”
“At?”
“Ibinilin ko kay Marco na…” natigilan siya nang mapatitig sa akin at makita niya ang reaksyon ko na biglang nagbago hanggang sa maging galit. Umigting ang laman ko, ang mata ko naging parang sa lawin. “Ayaw mo sa kanya pero hindi mo naman siguro siya