KATHERINE
Nagising ako na nandito ako sa garden. Nakatulog pala ako dito ng hindi ko man lang namalayan. Humihikab pa ako dahil kagigising ko lang pero nagulat ako dahil nasa harap ko ang gwapong lalaki na bumili ng mga halaman kahapon. Nakakunot ang noo niya na nakatingin sa akin.
“Good morning po, Ma’am. Pinapasok ko na po si Sir Lauren.” sabi sa akin ni Nica.
“It’s okay, ikaw na muna ang bahala sa kanya. Papasok lang ako sa loob,” sabi ko sa kanya.
“Okay po, Ma’am.”
Nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay ko. Paano ba naman kasi magulo ang buhok ko. Walang hilamos at hindi pa ako nakapagsipilyo ng ngipin. Nakakahiya talaga lalo pa ang seryoso ng mukha niya. Habang naghihilamos ako ay naramdaman ko na may tao na pumasok dito sa bahay.
“Nica, may kailangan ka ba?” tanong ko sa kanya dahil siya lang naman ang pumapasok dito.
Pero nagtataka ako dahil hindi naman siya sumagot sa akin. Kahit pa may bula ang mukha ko ay lumingon ako sa kanya pero nagulat ako na ang lalaking ito ang bumungad sa akin. Kaya naman nagmadali akong naghilamos ng mukha ko. After ay tinuyo ko ng ng towel ang mukha ko. Mabuti na lang talaga ang inuna kong magsipilyo.
“May kailangan ka ba, Sir?” tanong ko sa kanya.
“Nalanta ang mga halaman na binili ko sa ‘yo,” sagot niya sa akin.
“Po? Nalanta po?” hindi makapaniwala na tanong ko sa kanya dahil ito ang unang beses na may nagcomplain sa amin.
“Oo, nalanta kaya hindi ko rin binigay sa mommy ko. Puwede ba pumili ka naman ng hindi agad nalalanta,” masungit na sabi niya sa akin.
“Sir, papalitan ko na lang po. Sorry po,” sabi ko sa kanya kahit pa nagtataka ako kung paano ba nalanta ang mga ito.
“Dapat ay maganda na ‘yan para hindi na ako pabalik-balik pa dito,” sabi niya sa akin.
“Opo, pero dala niyo po ba ang mga halaman?”
“Tinapon ko na. Ano naman ang gagawin ko sa mga lanta na ‘yon?”
Nagtatanong lang naman ako pero masungit na siyang sumagot. Mas minabuti ko na lang na hindi na magtanong dahil baka lalo pa siyang mainis sa akin. As long as possible ay ginagawa ko ang lahat para walang magalit sa amin na customer.
Inayos ko na lang ang sarili ko dahil hindi naman ako pwedeng maligo. Baka mas lalo siyang mainis dahil maghihintay siya. Ayaw niya na si Nica ang mag-assist sa kanya dahil ako raw ang nag-asikaso sa kanya.
Lumabas na kami at pumunta na kaming dalawa sa may garden. Nagpaalam sa akin si Nica na bibili lang ng pagkain namin para sa almusal kaya kami lang na dalawa dito ni Lauren.
Hindi ko alam ang pangalan niya. Mas nauna pa siyang nakilala ni Nica kaysa sa akin. Hinayaan ko na lang siya na pumili dahil ayaw ko na talagang ako ang pipili. Ang mahalaga ay sinabi ko na sa kanya ang tungkol sa mga halaman ko dito.
“May napili ka na ba, Sir?” Tanong ko sa kanya.
“Ikaw na ang pumili. Make sure na hindi na ‘yan malalanta pa. Wala naman akong alam d'yan kaya hindi ko rin alam kung ano ang pipiliin ko.” Sagot niya sa akin.
“Sir, bakit po hindi niyo na lang po dalhin ang mommy mo dito? Para po siya na ang pumili ng gusto niya,” suggestion ko sa kanya pero mas kumunot lang ang noo niya sa akin.
“I think po ito po ang maganda,” sabi ko na lang sa kanya dahil ‘yung kahapon ang mas maganda talaga.
“Okay,” tipid na sagot niya sa akin.
“Upo ka muna doon, Sir.”
“I’ll stay here–”
“Mainit po dito,” sabi ko sa kanya.
“Gawin mo na lang ang kailangan mong gawin para makaalis na ako.” suplado na sabi niya sa akin.
“Gwapo sana pero suplado,” pabulong na sabi ko.
“May sinasabi ka?”
“Wala po, kinakausap ko lang ang mga halaman na ‘wag na sana silang malanta. Para hindi ka na po bumalik dito–”
“Tsk!” asik niya sa akin.
Minsan talaga kapag gusto mong maging mabuti ay marami talaga ang susubok sa pasensya mo. Tulad na lang ng batang ito. Gwapo sana pero magaspang ang ugali. Si Adam na lang talaga ang kilala ko na gwapo pero mabuting tao. Ang ex-husband ko ang pinakamabuting tao na nakilala ko. Kahit pa marami akong ginawang mali at kasalanan ay kabutihan pa rin ang isinukli niya sa akin.
“Good morning!” narinig ko ang boses ni Adam kaya mabilis akong napalingon sa kanya.
Sumilay ang magandang ngiti sa labi ko.
“Good morning,” nakangiti na bati ko sa kanya.
“May dala akong foods, hindi ka naman kasi pumunta sa bahay kagabi.” sabi niya sa akin.
“Oh my—I’m sorry, nakalimutan ko.” sabi ko sa kanya dahil nakalimutan ko na dapat pala pumunta ako sa kanila.
“It’s okay, alam ko naman na busy ka. Dinaan ko lang ito, alam mo naman baka pagalitan ako ng boss ko. Kainin mo ito ha, aalis na ako. Papasok pa ako sa capitol, ‘wag kang nagpapagutom. Baka sa sobrang busy mo sa mga halaman mo ay napapabayaan mo na ang sarili mo,” sabi ni Adam sa akin.
“Salamat sa mga pagkain, honey.” pabiro na sabi ko sa kanya at sanay naman na siya sa akin.
Tumawa lang siya at sumakay na ulit sa kotse niya. Ako naman ay nakangiti na nakatanaw sa kanya.
“Tatayo ka lang ba d’yan habangbuhay?”
“Ayy,” nagulat ako dahil nandito pa pala ito.
“Sorry po,” sabi ko sa kanya at mabilis na bumalik sa ginagawa ko.
Napangiti na lang ako dahil hindi talaga nila ako nakakalimutan. Masaya ako na siya ang naging ex-husband ko. At masaya ako para sa kanila ni Rachel. Puno ng regrets ang puso ko sa mga naging kasalanan ko sa kanila.
“Why are you crying?” tanong sa akin ni Lauren.
Nagtaka naman sa kanya. Hindi ko pala namalayan na pumapatak na naman pala ang mga luha ko. Mabilis ko itong pinunsan. Hindi na ako nagsalita dahil baka isipin niya na baliw ako. Nakabalik naman agad si Nica.
“May mga foods na?” tanong noya.
“Galing kay Adam,” sabi ko sa kanya.
“Sana all,” halatang kinikilig na sabi ni Nica pero tumawa na lang ako.
“Sana may ganyan ding lalaki noh. Kahit na matagal na kayong hiwalay ay inaalala at inaalagaan ka pa rin.” sabi niya sa akin.
“Ikaw talaga, mabait lang talaga si Adam–”
“Next year mo pa ba tatapusin ang–”
“Tapos na po, Sir. Ito na po,” putol ko sa sasabihin pa sana niya.
“Ang bagal,” sabi niya sabay kuha ng mga halaman.
Iniwan rin niya ang bayad niya.
“Thank you po, pero hindi niyo na po dapat binayaran–”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinaharorot na niya ang sasakyan niya. Nagkatinginan na lang kaming dalawa ni Nica.
“Problema niya?” nagtataka na tanong sa akin ni Nica.
“Hindi ko alam, ang sungit nga niya eh.” sabi ko na lang.
“Baka po naiinip lang. Ang aga po kasi niya dito,” natatawa na sabi ni Nica sa akin.
“Hindi naman kasi niya ako ginising. Sana ginising niya ako para hindi siya naghintay ng matagal. Gwapo sana pero suplado,” natatawa na sabi ko kay Nica pero nakangiti lang siya sa akin.
“Why?”
“Kasi po ngayon ka lang may pinuring lalaki, Ma’am. Lagi na lang si gov ang gwapo para sa ‘yo. Pero ngayon marunong ka ng tumingin sa paligid mo,” nakangiti na sagot niya sa akin.
“Gwapo naman talaga siya at hindi lang naman si–”
“Aayusin ko lang po ang pagkain natin.” nakangisi na sabi niya sa akin at iniwan na ako.
“Ngayon lang ba talaga ako may pinuri na lalaki maliban kay Adam?” tanong ko rin tuloy sa sarili ko.