Mika's POV
Nasa byahe na kami ngayon papuntang airport kung saan naghihintay na sina Chy at Levie. Hindi ko alam pero tanging lungkot at mabigat na pakiramdam lang ang meron ako ngayon. Ayoko naman umalis, ayokong lisanin ang Pilipinas at iwan ang mga taong mahal ko pero hindi ko kayang magstay nang dahil sa sobrang sakit.
I and Renrem didn't have any official break up kapag umalis ako ng biglaan. Pero ayos na din iyon, kaysa naman kausapin ko pa siya at magmakaawa hindi ba?! Pagod na akong manghingi ng atensyon at pagmamahal sa kaniya. Pagod na akong makinig sa mga dahilan at palusot niya, sawa na akong iparamdam kung gaano ko siya kamahal habang siya au wala man lang naa-appreciate sa lahat ng mga iyon. Mahal ko siya pero tama na.
"Ate nandito na tayo," saad ni Ranz na nagpabalik sa akin sa reyalidad.
Inayos ko na ang sarili ko at saka bumaba ng sasakyan. Pagkababa ko ay sinalubong agad ako nina Chy at Levie.
"Ano kaya mo ba talaga?" seryosong ta