Napalunok si Brett nang makitang umaagos ang luha ni Thyra pababa sa kaniyang magkabilang pisngi.
Humakbang siya palapit upang hawakan ang mukha nito, ngunit umatras si Thyra.
"H-Hindi mo alam kung ano'ng ginawa ko," matigas na sambit ni Thyra habang nakatingin sa mga mata niya.
"Hindi mo alam kung ano'ng mga g-ginawa ko para sa'yo. H-Hindi mo alam ang mga sakripisyo ko para makasama ka lang. Hindi..." Umiiling na wika pa niya sa bawat paghinga niya.
"I-I'm sorry. Nasaktan lang ako—"
"Nasaktan? Kanino? Kay Felip? Magkasama na nga tayo araw-araw, at sinabi mong magkaibigan na nga tayo. Pero ang gulo mo kasi. Ang gulo ng buhay mo," humihikbing sabi ni Thyra
"I'm just jealous na kasama mo si Felip. I-I'm sorry kung nasaktan kita," sinserong sambit ni Brett saka siya lumapit at niyakap si Thyra.
Itinulak siya nito at bahagyang umatras.
"P-Palibhasa kasi ay inuuna mo ang nararamdaman mo. Hindi mo na naisip kung makakasakit ka. Alam ko namang katulong mo lang ako, pero—"
Napatigil si Thyra