"A-Ano..."
Hindi makapa ni Thyra ang sasabihin dahil seryoso ang mga itong nakatingin sa kaniya.
"Kailan pa?" Tanong ni Nadia.
Bumilis ang tibok ng puso ni Thyra. Plinano niyang huwag munang sabihin sa kanilang dalawa dahil alam nila ang pinagdaanan niya mula nang magtrabaho siya kay Brett.
"One week na," mahinang sagot ni Thyra saka siya napalunok.
"Congrats! Kaya naman pala ayaw mong umalis doon," saad ni Felip saka ito ngumiti.
Ang hindi naman alam ni Thyra ay nanginginig ang mga kamay ni Felip.
Napakamot ng ulo si Thyra.
"Naghahanap pa kasi ako ng oras para sabihin sa inyo."
"Kasi ang akala mo ay hindi namin matatanggap?" Tanong ni Nadia.
Dahan-dahan naman siyang tumango.
"Sa'kin ay okay lang. Basta hindi ka niya sasaktan. I always felt that he treated you differently, but I didn't think you would be his girlfriend," komento ni Nadia saka lumapit sa kaniya.
"Nangako naman siya kay Papa na hindi niya ako sasaktan," saad niya saka inayos ang kaniyang laptop.
"Alam na ni Tito?" Tanon