Napakunot-noo si Thyra at napakuyom ang kaniyang mga palad.
"Wala kang karapatan para sabihin sa kanila."
"I know. But what can you do about that? A maid and her boss?" Natatawang sambit ni Laureen at tinignan siya mula ulo hanggang sa kaniyang paa.
"Hmm? Hindi bagay. Hindi bagay si Brett sa'yo. You are just like a rag that he uses for cleaning," dagdag pa nito.
Nag-roll eyes naman si Thyra.
"I already knew that you had bad plans for him, pero hindi ko inasahang papatulan ka niya. Ew! Gross!" Nandidiring saad nito.
"Talaga? Sigurado ka bang ako may balak sa kaniyang masama?" Sarkastikong tanong ni Thyra.
Umiling-iling si Laureen habang nakangiti.
"Let's see your courage when you have no allies. You gold digger."
Mas lalo namang nakaramdam ng inis si Thyra.
"Ang sama mo talaga, 'no? Matanda ka na nga, ganiyan ka pa ring mag-isip. Ano ba ang makukuha mo sa pagdikit sa pamilya ni Brett?"
Lumabi naman si Laureen na parang nang-aasar.
"You will never know."
"Pera? Lupa? Ano ba ang gusto mo