Napakuyom ang mga palad ni Thyra na nakapatong sa kaniyang mga hita at umiwas ng tingin.
Huminga siya nang ilang beses saka nakangiting tumingin kay Benjamin.
Tumango-tango siya.
"S-Sige po, Sir. Pero mahal ko po ang anak niyo."
"I know, but you can't handle Brett's world. But I hope you live quietly, I hope you can finish your studies," sagot nito.
Napangiti ulit si Thyra ngunit may halo iyong lungkot at sakit.
Pinigilan niyang maiyak sa harapan nito.
"I just want Brett to have a good life. At hangad ko rin ang kasiyahan mo, kahit hindi na kay Brett, hija," sinserong sambit ng ama ni Brett.
"O-Opo. Thank you, Sir."
Tumango naman ito saka napaubo.
"You're home," saad ni Brett saka lumapit sa kanila habang may hawak na isang bote ng wine at dalawang wine glass.
Napakunot-noo ito nang makita siya nang malapitan.
"Are you okay? Where did you get that?"
Muntik na niyang hawakan ang mukha ni Thyra, ngunit napatigil siya nang maisip niyang kasama nila ang kaniyang ama.
"She got into an acci