Nasa main gate si Thyra at walang tigil ang kaniyang pag-iyak habang niyayakap ang sarili.
Sa tanong ni Laureen sa kaniya; ang kaniyang ama ang kaniyang pinili. Ang ibig sabihin ay kailangan niyang iwan si Brett.
Naisip niyang sabihin muna kay Brett ang mga nalaman niya tungkol kay Laureen at ang mga ginawa nito sa kaniya, at kay Nadia.
Sasabihin niyang napagod na rin siya upang mas kapanipaniwala ang kanilang hiwalayan.
Kinumbinsi niya ang kaniyang sarili na tama lang ang gagawin niya, para mas makapag-focus na rin si Brett sa kaniyang mga negosyo, at sa kaniyang mga pangarap, na hindi na siya kasama.
Mas importante para sa kaniya ang kaniyang ama, na siyang tanging pamilya na lang niya. At hindi niya alam ang gagawin kapag nawala pa ito.
Pinakalma ni Thyra ang kaniyang sarili nang ilang minuto at inayos ang kaniyang sarili. Dahil sa sunod-sunod na pagkakaaksidente niya ay bahagyang nagbago na rin ang kaniyang itsura dahil sa kaniyang mga peklat at pasa sa katawan.
Inabot siya ng ila