Nakasuot ng shades si Brett habang nakatingin kay Thrina na naglalaro sa park. Kasama nito ang kaniyang lolo.
"Sir, may ipapagawa pa po ba kayo ngayong nahanap na natin ang bata?" Tanong ng tauhan niya habang nakaupo sila sa hindi kalayuan.
"Nothing. You can leave now."
"Paano po kayo, Sir?"
"I can handle myself. I'll just talk to the kid later," sagot niya saka inayos ang kaniyang suot na facemask at shades.
Tumango naman ito saka umalis doon.
Biglang nag-ring ang cellphone ng lolo ni Thrina at masayang kinausap si Thyra sa tawag.
Tumayo naman si Brett at hindi inalis ang paningin kay Thrina na naglalaro sa slide. Nakatalikod naman ang kaniyang lolo habang kausap ang kaniyang ina at may ilang hakbang ang layo.
Maingay din ang mga batang naglalaro doon.
Nang masigurado ni Brett na busy si Thyrone ay nilapitan niya si Thrina. Ang bata naman ay nag-explore sa mga swings doon.
"Hi!" Masiglang bati niya.
Napakunot-noo naman si Thrina at nag-angat ng tingin sa kaniya. Hindi ito sumagot.
"I