Agad na lumapit sina Nadia at Felip kina Brett at Thyra.
Sinamaan ng tingin ni Thyra si Brett.
"Huwag mong ipahiya ang sarili mo, Brett. Do not make a scandal here," mahinang sambit niya.
"B-But—"
Sinubukan niyang lapitan si Thyra ngunit hinarangan siya nina Nadia.
"You better stay away from my girlfriend," kalmado ngunit nagbabantang saad ni Felip. Hinawakan niya ang kamay ni Thyra.
"You're sick. Humanap ka ng mauuto mo," sabi ni Nadia at sinamaan din siya ng tingin.
"Tara na," aya ni Thyra sa kanila.
Muling bumalik ang tugtog at naglakad na rin sila paalis doon.
Habang palabas sila ay humahabol naman si Brett.
"Ano ba? Hindi ka ba titigil?" Baling ni Felip sa kaniya.
"I just wanted to talk to Thyra," seryosong saad nito.
"She doesn't want to talk to you. Huwag ka nang gumawa ng eksena. Pareparehas tayong mapapahiya," komento ni Nadia.
Huminga naman nang malalim si Thyra.
May iilang tao ang nasa pintuan at kitang-kita sila kahit na naka-dim ang mga ilaw.
"Ilang taon na ang lumipas, ho