Nang makaalis sina Bettina at ang kapatid ni Laureen ay natahimik si Thyra.
"You need to tell me what's going on," saad ni Felip.
Napalingon naman siya.
"Naalala mo 'yong nakuwento ko sa'yo dating nakita ko? Noong sinundan ko si Laureen sa building nila, tapos nakita ko doon 'yong lalakeng nag-threat sa buhay ni Brett," sabi ni Thyra.
Tumango naman ito.
"The one you said is Laureen's brother who also kidnapped you?"
"Oo."
"What about him?" Kunot-noong tanong ni Felip.
"Siya 'yong kasama ni Bettina kanina, at tinawag niyang 'hon'. Ibig sabihin ay may relasyon sila," sagot niya.
Napatigil naman si Felip at napaisip.
"Teka. Paano kung alam ni Bettina ang lahat ng nangyari, at siya ang may pakana ng lahat ng threats sa buhay ni Brett?" Sambit niya.
"What could be the reason?"
Nagkibit-balikat naman siya.
"What if pakana na naman ito ni Laureen? At si Ma'am Bettina ang target niya?" Wika ni Felip.
Napaawang naman ang bibig niya saka tumango-tango nang ma-realize din niya iyon.
"Oo nga, ano?