Kinabukasan ay maagang umuwi sina Thyra at Thrina dahil may pasok na siya sa trabaho at may klase rin ang kaniyang anak.
Hindi pa niya nasabi kay Felip ang nangyari dahil busy ito sa kaniyang negosyo.
Ipinaayos na rin ni Brett ang sasakyan niya at inihatid ito sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya.
Hindi maalis sa isipan niya ang sinabi ni Thrina na naawa siya kay Brett at kaibigan na rin niya ito.
Nagkaroon pa siya ng utang-na-loob kay Brett dahil sa nangyari.
Ilang beses siyang huminga nang malalim nang matapos ang duty niya nang maramdamang naninikip ang dibdib niya.
Kakasakay niya lang sa kaniyang sasakyan nang mag-ring ang kaniyang cellphone.
Si Nadia ang tumatawag.
"Hello? Pauwi pa lang ako," agad niyang sambit.
"H-Hello, Thyra? Dumiretso ka sa hospital. Dalian mo," natatarantang sambit nito.
Napatigil si Thyra.
"B-Bakit?"
"S-Si Felip, nabangga ng sasakyan. Wala pa rin siyang malay."
Tila nabingi si Thyra sa kaniyang narinig at hindi agad nakapagsalita.
Nagmamadaling pumasok si