Agad na itinulak ni Thyra si Brett. Napaatras naman ito at pupungay-pungay ang kaniyang mga mata.
"And now you're threatening me," kunot-noong sambit ni Thyra.
"I-I'm sorry," saad ni Brett at lumapit ulit sa kaniya.
"Don't you dare touch me!" Banta niya saka umatras.
Sinamaan niya ito ng tingin.
"You've changed," komento nito sa kaniya na parang dismayado.
"As I should," irap na wika ni Thyra.
"Why can't you give me a chance? Don't stay away from me, Thyra," parang nagmamakaawang sabi ni Brett at hinawakan ang kamay ni Thyra.
"Did you give me a chance to speak before? At sino ba ang unang umalis? Who walked away? Hindi ba ikaw?" Nakakunot-noo pa rin siya at marahas na binawi ang kaniyang kamay.
Hindi nakaimik si Brett at nakatingin lang sa kaniya habang naluluha.
"Nakakatawa, right? Ikaw 'tong lumayo, pero parang ako ang may kasalanan," wika ni Thyra.
Napalunok siya at umiling-iling.
"Ni hindi mo nga alam kung paano ko tinanggap ang pag-alis mo, kung paano ko pinigilan ang sarili kong