Ilang bura, punit, at tapon ang ginawa ko sa aking pag-i sketch dahil walang magandang kinakalabasan ang ginagawa ko. Kahit na malapit na ako matapos ay pupunitin ko ulit dahil parang hindi pa rin ako satisfied. Ang nakakainis pa, kanina pa ako dito wala pa rin akong natatapos.
"May problema?" napa-angat ako ng tingin ng makita si Tita Athena, hawak ang itinapon kong lukot na papel.
"M-Miss Athena." napatayo pa ako sa pagkabigla.
Nakakahiya, oras ng trabaho pero sobrang dami ng gumugulo sa utak ko kaya hindi ako makapag-focus.
"P-Pasensya na po, Miss. Hindi lang po ako satisfied sa kinakalabasan kaya inuulit ko." nahihiya akong tumingin sa kanya.
Napakabait niya dahil sa clothing line niya kami pinag-apply para makuha ang internship namin na kailangan para maka-graduate kami. Huling taon na namin sa aming kurso kaya naman lahat ay ginagawa ko upang mas pagbutihan pa ito ngunit habang tumatagal parang mas nahihirapan ako.
Hindi dahil sa kurso na napili ko di dahil sa iba pang bagay na