KABANATA 14
Nagsimula na ang laro ng basketball at ang ikinagulat ko ay kasama pala si Magnus sa maglalaro ng basketball sa team namin! Hindi ko alam na bukod sa pagiging matalino ay marunong din siya ng basketball. Well, he’s tall and well-built. Pakiramdam ko nga ay kaya niya akong buhatin ng isang kamay lang—damn it, Estella! I sound like a damn pervert!
Nag-ingay ang lahat ng pumila na sa gitna lahat ng players. Halos magningning ang mata ko nang makita ko si Magnus na isa sa mga matangkad sa team. Why is he so handsome and hot at the same time?
“Shit! Ang gwapo ni Magnus!” hindi nakatakas sa akin ang bulungan ng mga kagrupo ko sa aking likod. My brows furrowed. I suddenly have the urge to pull their hair and order them to close their eyes!
“Sinabi mo pa! Dati ko pa yang crush since junior high! Tapos ang tali-talino pa!” kinikilig na dagdag nung isa. Dahil hindi na ako nakatiis ay lumingon ako sa aking likod sabay namang napatingin sa akin yung mga haliparot na may plano pa atan