Athena’s P.O.V.
His lips were so kissable, naturally reddish, and it was as if drawing me much closer to him. Cristoff was not a smoker and it was a damn good thing.
Biglang nag-iba ‘yong pakiramdam ko at bigla na lang bumilis ‘yong tibok ng puso ko. Saglit na napaawang ang mga labi ko at sunod-sunod na ang naging paglunok ko.
Nararamdaman ko na rin ngayon ang pag-iinit ng mga pisngi ko at ang pagdaloy ng hindi maipaliwanag na kuryente sa buong katawan ko. Hindi talaga nagbago ang kung ano mang nararamdaman ko para kay Cristoff. Mula noon hanggang ngayon, gano’n pa rin—walang nagbago.
Hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya kahit na pinahirapan pa niya ako sa simula. Lalo lang iyong nadagdagan. Alam kong lahat ng sobra ay masama pero parang tubig sa baso ang pagmamahal ko sa kanya—umaapaw pa nga. Wala akong ibang taong nanaising makasama sa hinaharap—siya lang.
Kung hindi ko lang naririnig ang iba’t ibang ingay rito gawa ng construction works ay sigurado akong maririnig ko pa lalo