Athena’s P.O.V.
“Hey, let me go! Ano ba?”
I was still screaming while he was placing me at the front seat of his sports car. Pagkatapos niya akong mailagay roon ay padabog niya namang isinara ‘yong pintuan ng sasakyan. ‘Yong tipong kulang na lang ay sirain na niya ito sa tindi ng puwersang nilagay niya rito? Ano bang problema ng lalaking ‘to?
Lalabas na sana ako, but he swiftly turned around to open the door at the driver’s seat. He climbed as fast as he could, sat beside me, and prevented me from leaving by grasping both of my shoulders. He made me stay beside him with his brown orbs piercing at me.
At habang tinitingnan niya ako sa ganoong paraan… para naman akong rumurupok at nanghihina. ‘Yong puso ko naman ay mabilis ding tumatambol na para bang sinisigaw nito na siya pa rin talaga ang mahal ko kahit ilang ta