Athena’s P.O.V.
[What happened after the ending of Sabotaging My Walkout Queen Book 1]
“Hija, ready ka na ba?” bungad ni Ate Paula nang pumasok siya sa kuwarto ko. “Hinihintay ka na ng Daddy mo at ni Tyler sa ibaba. Nagsisipagdatingan na rin ang mga bisita—” Bigla siyang natigilan nang makita ang aking mukha—smudged with my mascara.
“Ano ka ba namang bata ka? Anong nangyari diyan sa mukha mo? At saka, nasaan na ‘yong makeup artist mo? Ako ang pagagalitan ni Don Miguel niyan eh. Ano bang nangyari dito, Kate?”
Hindi ko naman pinansin ang sinabi niya, bagkus ay muli lang akong humarap sa vanity mirror. Ano namang pakialam ko sa mga bisitang ‘yon? Hindi naman ako interesado. Puro mga kakilala lang naman nina Daddy at Tito Eros ang mga ‘yon!