Athena’s P.O.V.
Contemplating about answering him with ‘no,’
I just didn’t know why I responded ‘yes’ and that—I would be with him on the rest of his birthday.Siguro kasi, kahit ano pang dikta ng isip ko na huwag na akong magpakatanga… wala eh! Pilit pa ring naghuhumiyaw ang puso ko na mahal ko pa rin siya. At ayokong sayangin ang pagkakataong ito kung saan alam kong makakasama ko pa siya nang mas matagal.
Sabi ko, pahihirapan ko muna siya. Pero, hindi ko pala kaya. Ang dami nang oras ang nasayang sa aming dalawa. Hindi naman siguro kalabisan kung ngayon ay pipiliin kong maging masaya sa piling niya… kahit saglit lang.
Because of what had happened ten days ago here, I could have rejected him. I could have declined his offer. I could have reminded him of what he did to me way back then and where he should stand in my life.