Cari
Pustaka
Beranda / Romance / Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight / Chapter 10

Chapter 10

Penulis: LadyAva16
2024-08-18 16:09:15

"Apo, ba't gising ka pa?"

Naabutan ako ni Lolo na nakatulala sa sala. Pagkatapos kung e-off ang cellphone ko kanina lumabas ako ng silid at dito nga sa sala umupo.

"May hinihintay ka?" may halong panunuksong sabi nito. "May aakyat na ba ng ligaw sa apo ko?"

Humaba ang nguso ko sa sinabi ni lolo kaya napalakas ang tawa nito. Mukhang good mood ang Lolo Ignacio ngayon. Siguro maganda kinalabasan ng panunuyo kay Aling Edna.

"Hindi pa ako magpapaligaw, Lolo. Tsaka walang magkakalakas loob na ligawan ako, takot lang nila sa 'yo."sabi kaya lalong lumakas ang tawa nito.

Umupo ito sa tapat ko habang tinatanggal ang sapatos na suot niya. Akalain mo yun, nagsapatos pa pala talaga siya kanina, hindi ko man lang napansin.

"Alam mo apo, malaki ka na. Sa edad mong yan, hindi ko naman mapipigilan kung may magugustuhan ka o may manligaw na sayo. Pero syempre, bilang Lolo andito ako para bantayan at protektahan ka." nakangiti itong sumulyap sa akin. Ngumiti din ako pabalik sa kanya. Ang swerte ko
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi