"SUMAMA ka na kasi sakin, Mathis." Maluha luha niyang sabi at kaagad niyang hinila si Mathis palabas sa may bintana. "You're bleeding! We need to get you out of here..."
"Tama ang kapatid ko, Mathis." At sumang ayon naman si Idris na ngayon ay nagmamatyag sa paligid baka sakaling may kalaban man na nakakakita. "We don't have much time. The other agents outside were only there to get their attention so I can sneak here and get the both of you..."
Tumango na lang si Mathis habang ang kanyang kaliwang kamay ay nasa dibdib, hinahawakan ang dumudugo niyang sugat. "Okay, let's go."
Nakahinga naman ng maluwag si Venus nang makumbensi niya ito at kaagad silang lumabas sa may bintana kung saan pumasok si Mathis kanina.
Nang makalabas sila sa warehouse, madilim ang paligid subalit ang liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw nila sa daan. Halos nakakabingi ang palitan ng putok ng mga baril mula sa dalawang panig na nasa labas.
"Vee..." Tinawag siya ni Idris kaya napalingon siya. "Ikaw muna ang ba