Everisha’s POV
Czedric, nasaan ka na?
Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang nasabi ito sa sarili ko. Nasa kuwarto ako, nakaupo sa gilid ng kama, habang nakatingin sa bintana. Ang asul na kalangitan ay tila hindi na kasing liwanag gaya ng dati, parang may kulang—parang may nawala. Parang ang nararamdaman ko ngayon, dahil nawawala si Czedric.
Mula noong umalis kami ni papa sa bundok, tila hindi na ako mapakali. Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko: Nasaan na kaya siya? Nasa bundok pa rin ba siya? O baka nasa lungsod na rin siya ngayon? Saang bahagi kaya ng mundo siya naroon? Masyado na akong na-attach sa kaniya kaya ganito na lang kung mag-alala ako sa kaniya.
Napabuntong-hininga ako at bumaba ng kuwarto. Palaging tahimik ang bahay namin, pero nitong mga nakaraang araw, napansin ko na tila masyado nang busy si Papa.
Hindi ko maiwasang magtaka. Napansin ko rin na halos hindi ko na siya nakikita sa bahay. Laging umaalis, laging may inaasikaso.
Tinanong ko na tuloy si Mama haba