Bandang alas-tres sila nakarating ng asawa sa EL Nido. Hindi niya akalaing may sariling airport doon ang Daddy niya. Alam niyang may resort ito dito, pero hindi niya alam kung saan iyon banda.
Kakagising lang din ng asawa niya kaya kaagad na bumiyahe sila papunta sa private beach house nila mula sa private airport ng mga Madrid. Pitong araw silang mamalagi ng asawa dito. Sisiguraduhin niyang mag-eenjoy dito ang asawa.
“Malayo pa ba?” Napabaling siya sa asawa nang marinig ang boses nito.
“Malapit na, Sweetie. Siguradong mag-e-enjoy ka doon. I already saw it on video,”
“Talaga?” Yumakap ang asawa niya sa kan’ya.
“Hmmn,”
Wala pan