PINILING UMUPO ni Rain sa table na malapit lang sa counter, walang gaanong tao sa loob kaya naman hindi busy ang dalawa. Si Donald ang officer-in-charge kaya't naka-tambay lang ang binata sa counter, nakikipagkuwentuhan sa kaniya tuwing walang order at gano'n din si Billy.
"Siya nga pala, may mga dinagdag ulit sa menu si Ms. Melyza," imporma ni Donald. "Kapag balik mo si Nate na ang bahalang magturo sa'yo."
"Marami bang binago?" Sumimsim si Rain sa kaniyang strawberry shake.
"Wala naman gaano, maliban sa mga dekorasyong akala mo gawa ni kupido," Donald pointed it out.
Pareho silang napa-tingin sa nagkalat na mga puso sa ere, pansin din ni Rain ang mga iyon. Ang akala niya'y si Ms. Mel ang may gawa, ngunit ngayong kinokontra iyon ni Donald ay duda na siya.
Ngumiwi ito. "Sa dami ng hearts sa paligid ay kulang nalang maski na pati mga staff ay magsuot ng puso, ang layo pa naman ng Valentine's!"
"Sus! Pagka-bitter talaga nito," singit muli ni Billy. Mapang-asar nitong ipinasa ang tickler