*****RAIN*****
MAINIT NA yakap ni Nay Lerma ang pumawi sa nanlalamig pa ring puso ni Rain nang araw na magkasama silang dumalaw muli sa matanda pagkatapos ng duty nila sa kani-kanilang mga trabaho. Nagkaroon ng oras ang dalawa na magkasarilinan sa likod-bahay ng mag-asawa kaya't na-ikuwento ni Rain dito ang lahat, kasama na ang mga nangyari sa kanila ng kaniyang mama at ang layo ng na-abot niya para lang ayusin ang kanilang pamilya.
Rain had never cried again after her mother's burial, she spent her lonely hours doing household chores and dealing with Art's sudden existence in her life. But that does not mean she is already fine, kaya nang balikan ni Rain ang mga nangyari ay nagdagsaang muli ang kaniyang mga luha at sa lahat no'n ay hindi siya naka-rinig ng panghuhusga sa matanda.
"Hindi ko gustong makitang umiiyak ka, hija," ani Nay Lerma habang hinahaplos ang kaniyang braso. "Pero kung dito gagaan ang loob mo'y sige lang, iiyak mo lang iyan. Nandito lang ang nanay."
Bumangon siya