"Relax lang, nasa loob na sila," tugon sa akin ni Orson.
Saka ako nagpakawala ng marahas na hininga. Gosh! Muntik na akong atakihin. Bagong labas pa naman kami ng ospital. And gosh, ayoko nang bumalik ulit roon. Argh!
"Akala ko kung nasaan na sila. Pinakaba niyo ako ni manang," palatak ko.
"Palibhasa'y kahit anu-ano nalang kasi iyang iniisip mo. Just relax and take a deep breath," saad ni Orson sa akin na halatang may panunudyo.
"Sir, nasa kwarto niyo na po ang ilang gamit at pati ng kay ma'am," ani ng isang katulong. Nagbigay-galang ito sa amin pagkatapos.
Tango lang ang naging tugon ko sa naturang katulong. Inilibot ko ang paningin sa naturang rest house. Pati ang buong lugar makikita ang ilang malalaki't maliliit na mga vases na may mga fresh flowers. Great! Napakaganda sa paningin. Lalo na ang ilang amoy ng mga ito. Hindi masakit sa ilong. Tila ba, mas nagbigay pa iyon ng kaginhawaan.
"What can you say?" nakangiting tanong sa akin ni Orson.
"Maganda, t'saka nakakaginh