KHALESSI MONDRAGON
Nanghihina ang mga tuhod ko. Gusto kong tumakbo palayo… Bakit? Bakit matapos ang ilang taon ganito pa rin ang epekto niya sa’kin?
At bakit… Bakit siya nandito?
Napaatras ako. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Kusang nanumbalik sa’kin lahat ng pinaggagawa niya sa’kin sa noon.
Seven years.
Pitong taon na ang nagdaan pero napakasariwa pa rin ng lahat.
His gaze never left mine. Ilang sandali lang ay may sinabi ito kay Fiona bago niya tapikin ang balikat ng babae saka ito naglakad papunta sa direksyon namin.
Nakita kami ni Fiona. Ang kaninang nakangiti niyang ekspresyon sa mukha ay napalitan ng inis. Pero hindi ko na siya binigyang pansin pa dahil masyadong papalapit na ang lalaki.
Tatakbo na sana ako palayo nang may humawak sa kamay ko. Napatingin ako roon. Sobrang higpit ng pagkakahawak ni Fabian sa kamay, pero hindi sa paraang galit, more like nag-aalala.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita ko ang nakakunot niyang noo, mga matang nagtatanong, pero nana