Nang makarating si Althea sa lugar na sinabi ni Ynez ay naghihintay na ito sa labas at masayang kumakaway sa kanya.
Nasa Victory Sportsplex sila ngayon, isang napakalaking outdoor sports complex na tanging ang mga pinakamayayaman lang sa buong bansa ang nakakakuha ng membership. It's a complete facility for sports like equestrian sports, tennis, archery, golf, swimming, at marami pang iba. According sa research ni Althea, if you don't have atleast 100 million in your bank account ay hindi ka makakapasok dito as visitor, kaya paano pa kaya kung membership mismo ang pag-uusapan? It's really is a haven just for the elites. Kaya naman ganun nalang ang tuwa niya ng maimbitahan siya rito. Bawat signed members kasi can invite one to two outsiders once a month.
"Mamsh naman!" Problemadong sinapo ni Ynez ang noo niya ng tuluyan ng makalapit si Althea. "Hindi mo pa kinompleto yang outfit mo. Sana pati yung mukha mo tinakpan mo na din."
"Bakit ba? I'm here for the job interview." Napatingin siy