DOMINICE TRAVIS LUCAS POV.
NAGISING ako ng tamaan ng sinag ng araw ang mukha ko. Hindi ko kasi sinasarado ang balkonahe sa kwarto ko kaya kapag mataas na ang sikat ng araw at kapag hindi pa ako magising ang sinag ng araw ang nagpapagising sa akin. Parang orasan ko na rin siya.
Napadilat ako ng may maalala. Biglang naging buhay ang diwa ko. At nawala ang antok ko. Agad akong tumayo mula sa kama at tinungo ang pintuan. Pagbukas ko ay para akong hinugutan ng hininga dahil nasa harapan ko ay ang isang tao na ubod ng gwapo.
Natulala ako at napatingin sa mga mata niyang parang sinusuri ang pagkatao ko. Hindi ko alam kung bakit iba ang tingin niya sa aking katawan. Naningkit ang kanyang mga mata at napaawang ang labi. Napaismid naman ako at tumingin rin sa sarili ko ng napagtanto kung ano itong suot ko.
“Gosh!” gulat na sambit ko at mabilis na isinarado ang pintuan. “D-did he see m-my—" Natakpan ko ang bibig ko at tumili ng walang kaboses-boses at parang maiiyak sa sobrang hiya.
“W-wait."