NANG magising si Julian ay naramdaman niya na tila may mabigat sa kaniyang katawan, halos mapa-ungol siya sa sakit habang iginagala ang paningin sa isang madilim na lugar kung saan siya kasalukuyang nakagapos ang buong katawan habang nakaupo.
"Fuck! What place is this!" bulalas niya.
Maya-maya lamang ay biglang lumitaw ang isang anino sa madilim na banda, at habang lumalapit ito kay Julian ay mas lalong nagpapakita ang tunay na anyo nito.
Tattooed man, same resemblance to Julian's physical appearances. Hindi nga siya nagkamali. Si Eros ang muling nagbanta sa kaniyang buhay. Akma na sanang susugurin ni Julian ngunit hindi niya magawa dahil mahigpit ang kaniyang pagkakagapos na halos magmarka ang mga tali sa kaniyang mga balat.
"I should've known! Wala kang kasing-sama Eros!" sigaw ni Julian.
"Oh? Ngayon mo lang ba nalaman dear brother? Matagal na akong minarkahan ng demonyo, dapat noong una pa lang naging tuso ka na pagdating sa pag-uugali ko," kalmado niyang sabi.
"P