LILURA ÁSVALDR ODESSA - MAXIMILLIANO
Pag takbo ko palabas saktong pagsabog ng sasakyan ko. “D*mn it! Nevan saan sila papunta?!” Tanong ko agad kay Nevan..
“Ano ba nangyayari Lura?” Tanong ni Val.
Nag umpisa na akong umiyak at hindi ko na mapigilan na hindi matakot para sa anak ko. “Val..” tawag ko dito.
“Sabihin mo na Lura..” wika ni Nevan.
“Ang a-anak natin kinuha ni Elora..” pag amin ko na kina gulat ni Val.
“A-anak? May anak tayo?!” Gulat na tanong nito.
Doon na ako napa hagulgol unti-unti na nanghihina ang binti ko. “Please Val, kailangan ko iligtas ang anak ko! Siya lang naging buhay ko please..” pagmamakaawa ko dito..
“Val mamaya kana magalit kailangan muna natin iligtas ang anak ninyo, mamaya kana mag tanong!” Narinig kong sigaw ni Nevan niyakap ako ni Mila at Nevan.
“Kumalma ka Lura, tumawag na ako sa underground to activate Louvre locator..” pag paapgaan ng loob ko ni Nevan.
Iyak lang ako ng iyak natatakot ako para sa anak ko paano kung saktan ang inosente