RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO
ALAS OTSO NG UMAGA nag tungo na ako sa crematory upang masimulan na ang pag cremate sa magulang ni Elora.
Bago ako umalis nakakatawa na may binigay ang anak ko sa akin na pulang bracelet, ito mismo ang nag suot sa akin.
“Sir. Sisimulan na po namin..” wika ng taga cremate ng mga patay.
“Sige po..” sagot ko at umatras na ako nag mask ako at nakita ko mula sa bintana na pinasok na ang magulang ni Elora.
Sunog na sunog ang mga ito, hindi ko akalain na makikita din namin ang ganitong pag pat*y ni Flame. Akala ko ay hindi totoo ang usap usapan tungkol kung paano ito pumatay.
Ngunit ang isang ‘yun hindi nakikitaan ng pagsisi sa mga mata niya.
Lahat sila wala silang konsensya parang binura na nila ang salitang ito sa kanila simula ng pumasok sila sa ganitong buhay.
Habang naka tingin lang ako sa loob at naririnig ko ang pagka sunog ng buto ng mga ito. Hindi ko maiwasan hindi mangalibot.
“Tama si Flame hindi ko pa kaya ang gawain nila..” bulong ko