[24]
Hangang Kailan***
Masakit para sa akin ito. Hanggang kailan ko ito dadalhin? Sobra na akong nahihirapan.
Lumipas ang dalawang linggo, patuloy pa rin akong umaasa kay Apple. Talagang despirado na ako. Pinupuntahan ko pa rin siya sa trabaho niya. Dinadalaw ko pa rin siya sa unit niya. Sinisiguro ko namang hindi malalaman ni Kuya ang lahat ng ginagawa ko kay Apple.