PAGBUKAS nila ng pintuan kung saan naroroon si Selena at Ricci, bumungad agad sa kanila ang ginang na kumakain ng prutas na ipinagbalat ni Caroline sa kaniya. Sabay na napalingon ang dalawa sa bagong dating at sabay ‘din na nanlaki ang mata nila ng makilala ang mga ito.
“Mom!”
“Sebastian anak!”
Mabilis na lumapit si Sebastian sa kinalalagyan ng kaniyang ina at niyakap ito.
“Celine!” Habang si Caroline naman ay si Celine ang una niyang napansin sa mga ito.
“Tita Caroline!”
Lumapit ang dalawa sa isat-isa at nagyakapan. Hindi ‘rin kasi nakausap ni Caroline si Celine bago sila tuluyang umalis ng Pilipinas papuntang Canada kaya ganoon niya ka-miss ang bata.
“Tita I miss you! Marami akong nalaman about you an Imyso happy for you po! Magiging legal na tita na kita tita Caroline!” bibong sabi ni Celine na ikinalaki ng ngiti ni Caroline at pinisil ang ilong nito.
“Ikaw talaga Celine ang tali-talino mo!”
Natawa sila pareho pagkasabi niyon ni Caroline. Habang sina Selena at Sebastian naman ay na