KALAT na kalat na ang tungkol sa pagtalo ni Luna kay Prince. Ang mabilis na pagakyat niya sa ranggo ang mas lalong nagpatunong sa pangalan niya lalo na at dalawang araw palang siya sa kanilang organization.
Hindi naman nabago o naalis ang ranggo ni Prince at Princess dahil magkakaiba sila ng position. Pero kung nagkataon na mafia ‘din siya o ‘di kaya sniper ay baka nasa kaniya na ang ranggo ng dalawa. Mapupunta lang ang mga ito sa kaniyang baba.
Biruin mo natalo niya ang dalawa sa pinakang malakas sa bawat position nila kaya ngayon ay marami na ang humahanga kay Luna.
Bali wala naman kay Luna ang kasikatan niya na iyon, ang mahalaga sa kaniya ngayon ay ang makausap si Selene. Kanina pa niya ito hinahanap simula ng matapos ang laban nila ni Prince ngunit hindi pa ‘rin niya ito makita!
Nang gabi na ay nagpasya siyang pumunta na sa magulang para ibigay ang information na nakuha niya para na ‘rin magtanong sa mga ito kung nasaan ang partner niya. Kaya nga sila mag partner para lagi