Doon ay kinuwento ni Luna ang buo sa mga ito. Hindi sila makapaniwala na isang Moon pala ang kasa-kasama nila lalo na is Caroline.
Tinawanan pa ng ani Rocky at Vince ang mga ito dahil ganoon ‘din ang naging reaction nila noon.
Nang matapos iyon ay sinabi na niya ang tunay na plano nila na bukas gaganapin. Pinag-asikaso agad ni Luna si Vince ng isang malaking event at dahil malaki ang event na iyon ay pinatulong na niya si Caroline dito dahil bukas na bukas ay mag sasanib pwersa na ang Moonlight C.B. at ang Anderson Company.
Nagulat sila sa planong iyon ni Luna, kahit si Sebastian noong malaman iyon ay nagulat. Ni minsan ay hindi niya naisip na gamitin ang nobya para lamang bumalik sa dati ang kanilang kumpanya pero dahil nag insist si Luna at sinabi na magagalit siya kapag hindi siya pumayag ay wala siyang magawa.
Kay Rocky tinoka ni Luna na ipakalat sa social media ang pagiging mag partner ng Moonlight C.B. at Anderson Company. Lalo na at puro hotels and beverages ang sakop ng kum