=Aria Maeve Sienna’s Point Of View=
Ilang araw ang lumipas, sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa trabaho, pero parang sinadya ni Enzo na guluhin ang sistema ko.
Tuwing may meeting kami tungkol sa kaso, hindi ko alam kung paano niya nagagawang balansehin ang pagiging seryosong abogado at pagiging panggulo sa isipan ko.
Katulad ngayon.
Nakaupo kami sa isang pribadong restaurant kung saan niya ako dinala para pag-usapan ang magiging approach namin sa deposition. Ang kaso? Hindi ako makapag-focus dahil sa paraan niyang tumitig sa akin—parang may ibang agenda maliban sa kaso.
“Can you stop looking at me like that?” iritable kong sabi habang binubuklat ang folder sa harap ko.
Nag-angat siya ng tingin mula sa baso ng whiskey niya at ngumiti. “Like what?”
Napairap ako. “Like you’re thinking of something other than work.”
“Hmm, guilty,” walang kahirap-hirap niyang inamin. “Pero sino bang may kasalanan? Hindi ko naman ginustong maadik sa presensya mo, doc.”
Napaat