=Aria Maeve Sienna’s Point Of View=
Pagkatapos ng ilang segundong pagtititigan namin ni Enzo, ako na ang unang umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit, pero parang gusto kong umiwas sa paraan ng pagtitig niya—masyadong sigurado, masyadong kampante na kaya ko ang lahat, kahit ako mismo kanina lang ay muntik nang matalo ng kaba.
Huminga ako nang malalim at naglakad papunta sa lounge. Pagod na pagod ako, pero alam kong hindi pa tapos ang araw ko.
Saktong pag-upo ko pa lang sa couch ay naramdaman ko ang presensya ni Enzo sa tabi ko. Hindi ko na rin nagawang magulat. Pakiramdam ko, kahit saan ako magpunta, parang may radar siya pagdating sa akin.
“Stress reliever?” tanong niya sabay abot ng isang boteng tubig.
Tinanggap ko iyon nang hindi siya tinitingnan. “Hindi mo ba ako bibigyan ng energy drink? Alam mo namang hindi ko kailangan ng tubig lang.”
“You’re a doctor. Alam mong hindi maganda ang sobrang caffeine.”
Napanguso ako at uminom ng tubig bago siya sinulyapan. Nakasa