May lalaking lumapit kay Leah at tinanong, “Ikaw ba si Ms. Younge?”
Tumingin si Leah. Akala niya hindi na darating ang lalaking pinakilala ng kaniyang Dad. Aalis na sana siya pagkatapos niyang kumain pero hindi niya inaasahan na darating din pala sa huli ang lalaki.
Ngumiti si Leah.”Oo, ako ‘yon. Please umupo ka.”
Umupo ang lalaki at tiningnan ang pagkain sa mesa.
Nanatiling nakangiti si Leah at sinabi, “Pasensya ka na. Pangatlong araw pa lang ng bagong taon ngayon. Akala ko hindi ka na pupunta kasi isang oras na rin ang nakalipas.”
Hindi nakapagsalita ang lalaki. Dahil sinabi ni Leah na halos isang oras na siyang late.
“May nangyari kasi. Siya nga pala, Ms. Younge, narinig ko na nagtatrabaho ka raw sa ibang bansa bilang interpreter?”
Hawak pa rin ni Leah ang kaniyang tinidor at sumagot, “Yeah. Iniisip ko pa rin kung babalik ba ako o hindi pagkatapos nito.”
Habang nakangiti, tinanong niya, “Plano mong bumalik doon?”
“Depende sa sitwasyon ko,” sabi ni Leah. Matapos iyon, tum