“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison.
Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”
Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.
Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.”
“Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.
Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.”
Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.
Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.”
Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?”
“Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?”
Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k