Enrique
Ngayong break time ko, dito muna ako tumambay sa gym. Naisipan kong mag-shooting para kahit papaano, ma-relax naman ako. Hanggang ngayon kasi tensyonado pa rin ako. Nakita ko si Lorryce kanina pero iniwasan ko siya.
Halos matawa ako sa sarili ko kasi para akong gago sa mga pinaggagagawa ko. Umiwas ako sa babaeng mahal ko.
Naloko na! Torpe na yata talaga ako.
Natigil lang ako noong nahagip ng mga mata ko si Mildred na pumasok sa gym at umupo sa bleachers katabi ng mga gamit ko.
“Hi Enrique,” she greeted.
Bahagya ko lang siyang nilingon.
“Ui, ikaw pala. Anong ginagawa mo rito?” halos walang gana kong sabi.
“Wow, lagyan mo naman ng kaunting excitement ‘yang tono mo. Para namang hindi ka masayang makita ako. No Lorryce today?”
Umakto na lang ako na parang wala akong narinig.
This is awkward.
“So, what brings you here?” I casually asked again.
“Love.”
“Mildred,” I exhaustedly said. Ayan nanaman siya.
“Okay, okay fine. Sorry. Break na pala tayo— oooppsss, hindi nga pala naging tayo