The sky bore a somber weight that afternoon—overcast and brooding, like a shadow long concealed behind every fragile smile Azalea had ever worn. Nasa labas sila ng campus, bitbit ang bag sa balikat, habang si Nixel ay busy sa katitipa ng cellphone nito.
"Mauna ka na. May dadaanan lang ako sa may kanto," paalam niya kay Nixel dahilan para mapaangat ito ng tingin.
“O sige, text mo ko ha pag pauwi ka na,” sagot ng kaibigan at saktong nakaparada na sa harap nila ang van na sumusundo dito.
Sumakay dito sa Nixel at nag-wave pa sa kanya. Pagkaalis ng sinasakyan nito, saka lang nagsimulang maglakad si Azalea.
Ilang araw na din ang nakalipas magmula noong malaman niyang ikakasal ni Izon sa ibang babae. After hearing that news, she decided to let him go, at kalimutan ang kung ano mang ugnayan meron sila. Ayaw na din naman niyang guluhin pa 'yon dahil wala siya sa lugar.
Kasalukuyan siya ngayong naglalakad sa kanto habang dinadama ang haplos ng simoy ng hangin. Pasado alas sinko na din ng ha