Share

THE GLASS QUEEN (TAGALOG)
THE GLASS QUEEN (TAGALOG)
Author: Ashley Grace

UNANG YUGTO

Her exhausted eyes were hiding behind a colored sunglasses as she keeps a face devoid of emotion. Naglalakad siya sa gitna ng maraming mga estudyanteng may bitbit na flaglets na iwinawagayway bilang pagsalubong sa kanyang pagdating.

Sa likuran niya ay nakabuntot ang driver/bodyguard niyang si Lilit bitbit ang kanyang clutch bag at ang paborito niyang binoculars. Mabuti na lamang at dito ay hindi niya kailangang umarteng mabait at nagagalak pagkat ang lugar na ito ay hindi kabilang sa makamandag na sirkulong lumalason sa kanya.

Sa mahabang pasilyo na iyon na kanyang nilalandas ay sinalubong siya ng matandang administrator ng eskwelahan kasama ang mga guro at mga staff.

"Good afternoon, Ms. Ayala. We're happy you made it today." Agad nag-alok sa kanya ng palad ang matandang lalaki.

"Thank you, Mr. Fabrigas." Saglit siyang humawak sa kamay nito at sinuyod ng tingin ang mga guro at staff na sunod-sunod na bumabati sa kanya. "Good afternoon, everyone."

This week was set for the founding anniversary of the school. Ang kanyang ina ang nagtayo ng eskwelahang iyon at siya ang nagbibigay ng suporta hanggang sa kasalukuyan. Noong bata pa siya madalas siyang sumama rito lalo na kapag may charity ball.

Malaki na ang pinagbago ng eskwelahan. Dumadami ang gusali at mga mag-aaral. Nadadagdagan rin ang facility. Halata ang mabilis na paglago niyon sa nakalipas na dekada at mula ng ideklarang pamantasan ng Department of Education. Kung buhay lamang ang kanyang ina, tiyak matutuwa ito na umabot hanggang dito ang paaralan na pinaghirapan nitong itaguyod noon.

The group of educators escorted her to the VIP lounge to rest for a while after the short program. There's jazz music playing in a loop. Her mother's favorite.

"I'll be fine by myself, you can go and attend to your other guests." She dismissed the administrator and the others.

"Thank you, ma'am." Umalis ang mga ito pero nagpaiwan ang chancellor, si Mrs. Agatha Mendez at iilang staff para samahan siya.

Umahon siya mula sa inuupuang couch at lumapit sa desk na nasa sulok. Nakialam siya sa listahan ng mga panauhing imbitado sa buong linggong selebrasyon. Some are famous stakeholders from the town. They even invited the Secretary of Education and it seemed they had him here yesterday. Hindi siya nakapunta rito kahapon dahil masama ang kanyang pakiramdam at kailangan niyang magpahinga.

"Wine, ma'am?" Isang kopita na may red wine ang ibinigay ng chancellor sa kanya.

"Thank you," tinangggap niya iyon at lumapit sa pinakamalaking floor to ceiling window kungsaan tumatagos ang sinag ng araw na nagiging bahaghari dahil sa mapanlinlang na salamin.

Agad ibinigay sa kanya ni Lilit ang binoculars. She had an impeccable view of the entire campus from there. Bawat sulok na natatanaw niya ay may tarpaulin kungsaan nakapaskil ang kanyang mukha. Like in the metropolitan where her billboards are towering in most cardinal points.

A group of male students outside caught her attention. There were seven of them more or less. Nagkukulitan ang mga ito bagamat hindi niya marinig ang asaran at tawanan. The smile on their faces is infectious.

Natuon ang paningin niya sa isa na nakasandal sa haligi at nakangisi. He's beautiful in a masculine way. She thought he stands out a little too much with that black shirt he's wearing and his pants uniform. May headphones na nakababa sa leeg nito at kumakain ito ng lollipop. It was a red candy lollipop and it tainted his carnal lips.

He is tall and sturdy build. Perhaps a varsity player of basketball. Moreno ito. He could pass as a model with that golden skin. His eyes had the streaks of different shades. A bit foggy with brown and green combined. Pero tumitingkad kapag natatamaan ng sinag ng araw. May lahi yata ang lalaki. A mix-breed?

Kinambatan ito ng isang kasama. Hinahamon yata. Inubos muna nito ang kinakaing lollipop at lumapit. Pumuwesto ang dalawa sa bench. They're doing an arm-wrestling while the others are cheering on them.

She was amazed how he won the contest with less effort. Hindi nawala ang ngisi nito. Dinakma nito ang kalaro sa batok at sinakal ng siko. Tawanan ang iba sa paligid.

Dinala niya sa bibig ang kopita at lumagok ng wine habang hindi inaalis ang paningin sa binoculars na nakatuon lamang sa lalaki. Bawat mumunting kilos nito ay sinusundan ng kanyang mga mata. More decent than those men troubling her until now. He's attractive and robust. And his smile is hypnotic.

"That guy, the dark one, what's his name?" tanong niya sa chancellor.

"Zerriko Gray, ma'am," sagot nitong nawiwili din sa panonood sa grupo.

"Gray? He's a foreigner?"

"Not exactly, ma'am. May lahi lang. His father's origin is from Colombia."

Tumango siya. That explains why his eyes were like that. "What's his course?"

"Criminal Justice, ma'am. Second-year regular. He's one of our top students here. A consistent dean's lister."

Impressive. Gwapo, malakas at matalino. A thorough breed. And he's what? Twenty years old? Pwedeng-pwede.

"I like him. Can you bring him to me right now?"

"Yes, ma'am." Nagmamadaling umalis ang chancellor.

Inubos niya ang laman ng kopita at naupong muli sa couch. She checked her cellphone while waiting. She had few missed calls from the agency and several text messages from her persistent good for nothing suitors. Ibinalik niya sa loob ng clutch bag ang cellphone at sumenyas ng inumin kay Lilit. Dagli itong tumalima. Ikinuha siya ng dagdag na inumin.

"I need extra glass."

"Sige po." Muli itong umalis para ikuha siya ng isa pang baso.

She smiled. She did not expect she's going to enjoy coming here today. Dumating ang chancellor kasama ang lalaking nagpapaganda ng araw niya roon.

"Good afternoon, ma'am." Maginoo nitong bati. Oh, mas gwapo pa pala ito sa malapitan. And he smells nice for a country boy.

"I want everyone out except for him of course," anunsiyo niyang nakatitig lamang sa lalaki.

Lumabas ang lahat ng naroon, pati si Lilit.

"Do you drink?" Nagsalin siya ng wine sa dalawang kopita. "Dr. Mendez told me that your name is Zerriko? Can I call you Zek? Well?" She handed him the other glass.

"Kung iyon po ang gusto niyo." Pormal nitong sagot at tinanggap ang kopita. He's obviously composed. Hindi gaya ng ibang lalaki na kabado tuwing kaharap siya.

"How old are you, Zek?"

"Twenty, ma'am."

"Perfect, I'm just twenty-four. You don't have to be so formal. I think we're still in the same age bracket."

Tumango ito. Sinuklay sa daliri ang buhok na bumagsak papunta sa mukha. He's got a little long pompadour cut hairstyle.

"Mayroon ba akong maipaglilingkod?"

"Yeah, good question." Hinaplos niya sa daliri ang bibig ng kopita. "You see, I was looking for a healthy male who can give me a son and I think you pass all the requirements. Can you donate sperm for me?" She smiled sweetly.

His jaw dropped and she could swear she saw the word hell floating in the middle of the air behind him.

"You're joking," sapilitang lumabas sa bibig nito makaraan ang ilang saglit na pagkakatulala.

"I'm not. I'm desperately serious. I want your sperm." Mariin niyang pahayag.

Naningkit ang mga mata nito at tumigas ang mga panga. "Hindi ko pinamimigay ang katas ko para lang paglaruan mo, Ms. Ayala." Iritadong nilapag nito sa mesita ang kopita at tumalikod paalis.

"No, no, please! Don't go, Zek. I'm sorry if that offended you. But I really don't know how to say it properly." Hinabol niya ito at humarang siya sa daan. "I'll pay. Just name your price," apila niyang nakapikit ang isang mata.

Ngunit lalo lamang itong sumiklab. "You're sick, Ayala. Find someone else to play your stupid game. I'm not up for it." Nanggagalaiting angil nito at lumabas. Ibinalya ang pinto sa kanyang mukha.

Hindi niya maintindihan kung bakit ito nagagalit. Magbabayad naman siya kung ayaw nitong ibigay ng libre ang katas nito. Kinapa niya ang dibdib. Ganito pala ang pakiramdam kapag tinatanggihan. It's awful and annoying. Pero natawa na lamang siya. Mukhang magugustuhan niyang magtagal pa rito ng kunti. Binalikan niya ang clutch bag sa couch at kinuha ang kanyang cellphone.

"I have a job for you. Find out everything about a boy named Zerriko Gray. I need his details before sunset today," utos niya kay Lilit.

One of her house helps who just retired last year lived around this area. Si Nana Matilda. She's very close to her. Matutuwa kaya iyon kapag binisita niya?

Binaybay niya ang direksiyon itinuturo ng google map ng sasakyan. Bolinawan. Iyon lang ang natatandaan niya sa nayon na tinitirhan ni Nana Matilda.

"I think, it's here." Sambit niyang nakadama ng pagmamalaki sa sarili matapos lumiko sa isang eskina at nakita ang karatulang nagsasabing nasa tamang lugar nga siya.

Hindi pa siya gaanong nakalalayo mula sa bukana nang matanaw niya sa unahan si Zek na naglalakad. Binagalan niya ang takbo ng sasakyan at ibinaba ang salamin ng bintana sa kanyang tapat. Huminto sa paglalakad si Zek. Nagbuhol agad ang makakapal na mga kilay at dumilim ang mukha.

"This is the way to Bolinawan, right?" tanong niya sa binata.

Tumango ito. Ibinaba sa leeg ang suot na headphones.

"Taga-roon ka ba? I wonder if you happen to know Nana Matilda. Pupunta ako sa bahay niya para bisitahin siya."

"Tiyahin ko siya."

"Oh, really? Thank goodness. Sumakay ka na rito."

"Maglalakad ako." Suplado nitong pahayag.

Napanguso siya. He's being rude. Nagmamagandang loob na nga siya. Malamang hindi pa rin humupa ang inis nito dahil sa encounter nila kanina doon sa pamantasan.

Binuksan niya ang pinto at bumaba. "Okay, I'm going to walk with you." Mabilis siyang humabol dito.

Lumingon ito at tinitigan siya na para bang nasisiraan siya ng bait. Lalo nitong binilisan ang bawat hakbang. Habang siya ay hirap sa kanyang paglalakad dahil sa takong ng kanyang sapatos na sumasabit sa mga lubak ng daan.

"Hey, Zek! Wait for me!" Tumakbo siya.

"Ano bang ginagawa mo?" Tiim-bagang na singhal ng lalaki. "Bumalik ka nga roon sa sasakyan mo? Kasalanan ko pa pag ninakaw iyon."

"Gusto ko ring maglakad." She pouted.

Gumalaw ang mga panga nito dahil sa higpit ng gitgitan ng mga bagang. "Sasakay na ako."

"I hate going back to the car with these shoes. I can walk better with flats. Can you get me a change? It's in the backseat."

Walang kibong binalikan nito ang sasakyan at ikinuha siya ng pamalit na sapatos.

"Pwede mo bang isuot sa akin?" Itinuro niya ang kumikirot na mga paa.

Umuklo ito at isa-isang pinalitan ang sapatos niyang may takong sa dala nitong flat shoes.

"A grown-up woman who can't even change her shoes by herself. You should start enrolling in a self-help course, Ms. Ayala. Ang dami mong taong bubuwesitin diyan sa katamaran mo." He started lecturing her.

"Kung magsisipag ba ako bibigyan mo ako ng sperm mo?" Ngumisi siya rito.

Namula ang mukha nito sa inis. "Can't we do anything here without you getting into my nerves? What's your deal anyway? Kung gusto mo ng libreng sperm, pumunta ka roon sa sperm bank."

"But I want yours, Zek." Giit niya. "Bakit ba hindi mo ako mabigyan kahit isa? Kung saan-saan mo lang naman iyan itinatapon."

"Anong ibig mong sabihin?"

Umismid siya. "Bakit? Hindi ka ba nagja-jakol gaya ng iba? Hindi mo dinidiligan ang matris ng girlfriend mo tapos sinusupot mo lang sa rubber iyong kawawa mong mga binhi?"

Napailing ito. Bagamat unti-unting naglaho ang iritasyon sa mga mata. "Gusto mo talaga ng katas? Sige, bibigyan kita. Pero sa isang kondisyon, Ayala."

"What kind?"

"We will do it in a natural way and we will do it now. Cool for you?"

Napalunok siya. Dama ang pagbukal ng pawis sa nakakuyom niyang mga palad. She can't possibly do it with him. She can't because she is a woman born with the heart of a man.

She is a glass queen.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status