Share

Kabanata 11

Ethan

Ilang taon na siyang wala, pero patuloy pa rin akong minumulto ng nakaraan, at sa bawat araw na nagdaan wala akong ibang maisip kundi siya lang. Siya lang ang kahinaan at kalakasan ko.

At dahil wala na siya, wala na rin ang lakas ko.

Nandito ako ngayon sa isang barr, nagpalusot lang ako kina Maxwell na may kikitain ako kahit wala. Gusto ko kasing mapag-isa. Lalo na't naalala ko si Eunice kay Aera. Alam kong mali, na kinaibigan ko siya dahil lang naalala ko si Eunice sakanya. Pero wala na nagawa kona, kinaibigan ko na siya.

Honestly, I like her attitude and personality. Pero sa tuwing magkasama kami pakiramdam ko si Eunice ang kasama ko.

Hanggang sa..

"Oh, Ethan. Lagi ka nalang nandito sa barr di mo pa rin ba nakakalimutan yung babaeng yun?" sulpot ni Aljean sa tabi ko at timungga ang alak na dala niya.

Yes kilala ko siya dahil kablockmate ko siya. Tatlo sila actually, sila ang Mean Girls ng Campus. Buti na nga lang at di pa nila napagdidiskitahan si Aera, kasi kung mangyari yun. Gulo talaga to, dahil may pagkamatapang din si Aera talaga.

"Oo nga Ethan, ilang linggo ka na dito? Di ka ba nagsasawa sa alak?" tanong naman ni Rica sakin. Habang ang isa sakanila ay kumakain lang sa gilid. Yung kumakain naman ay si Charm, siya yung di masyadong nambubully di katulad nung dalawa. Ewan ko ba kung bakit napasali siya sa mean girls eh di naman siya mean.

"Eh bakit kayo lagi kayong nandito?" balik tanong ko sakanila.

"Dahil eto lang ang comfort zone namin, wala mga parents namin sa bahay kaya dito namin nararamdaman ang tunay na saya, sa kabila ng lungkot ng mga bahay namin." sagot ni Aljean at napatango-tango naman ang dalawang kasama niya.

Maya-maya pa'y umalis na sila at sa ibang table naman daw sila manggugulo hanggang sa may marinig naman akong nagsasagutan sa banda sa gilid ko, at pamilyar ang isang boses.

Psh, bakit kaya di na to pumupunta sa tambayan sila ni Azrael.

"Steven, you know what? Nakakasawa ka na ang toxic na natin." sigaw nung babae sakanya.

Psh, sabi na nga ba at si Steven ito mukhang nag-aaway sila ng girlfriend niya. Kaya napalingon ako sa kanila at tama nga hinala ko si Steven nga.

"Toxic? Sa tingin mo iyang ginagawa mo hindi yan toxic. Paulit-ulit ka nalang di ka ba napapagod magbunganga.." inis na singhal ni Steven sakanya. "..Jannine bakit ako napapagod na rin naman ako pero nagreklamo ba ko?" dagdag ni Steven.

Psh, lagi nalang silang ganyan kaya siguro di na napunta sa tambayan kasi baka dun lang sila mag-away ng mag-away bago kasi maging sila ay puro away na talaga sila. Kaya nga di kami makapaniwala na kahit puro away sila ay tumatagal talaga sila.

"Oh bakit di magreklamo? Para hindi naman puro side ko naririnig mo." iritadong singhal sakanya ni Jannine.

Mga lasing lang to kaya nagkakaganto, iba talaga tama ng alak. Kaya tumayo ako para lapitan sila.

"Oy magtigil nga kayong dalawa, at ikaw Jannine. Umuwi ka na at palamigin yang ulo mo.." awat ko sakanila kaya napatingin sila sakin. "..at ikaw Steven, maiwan ka dito mag-uusap tayo." dagdag ko pa, medyo may tama na rin ako pero alam ko pa naman mga ginagawa ko.

"Sige pakiayos ng kaibigan mo ah, pasabi bukas na kami mag-usap." sabi ni Jannine at tsaka kami nilayasan. At ng maiwan kami at hinila ko si Steven sa isang table at doon siya kinausap ng masisinsinan.

At tinext ko si Rafael at Maxwell na pumunta dito sa barr at may kakausapin kami ng matindi. Nagreply naman si Maxwell na di makakapunta dahil kailangan niyang bantayan ang kapatid niya si Aira at ang kaibigan nito na nagsleepover daw sa bahay nila. Kaya eto at si Rafael lang ang dumating..

"Oh, nandito ka pala Steven. Ano problema nan?" bungad at tsaka nilingon niya ko dahil di siya pinapansin ni Steven, tulala kasi ito.

"Psh, nag-away sila ng girlfriend niya. Accidentally lang na narinig ko sila na nag-aaway." sagot ko sakanya.

"Ay kaya naman pala, eh ikaw bakit nandito ka sa barr? Kala ko ba may kikitain ka?" sabi niya at takang tanong niya sakin, ay bobo di nga pala nila alam na dito ako pumunta.

"Hindi ako ang topic dito, si Steven ang kailangan nating kausapin." umiiling na sabi ko sakanya kaya napatango nalang siya.

At tsaka namin sinimulan kausapin si Steven, at medyo nalinawan na naman siya. At inubos namin ang gabi sa pag-inom ng alak, kaya ayun lasing kaming nagsi-uwian sa mga bahay namin.

Anna Luisa

Ilang araw na walang paramdaman si Ethan sakin, at si Maxwell naman ay madalas ang pagyaya sakin kumain sa kantina. At eto namang si Julia ay may kasintahan na agad, at Rafael daw pangalan.

At nagkataong kaibigan pala ni Maxwell tong si Rafael kaya magkakasama kami sa lamesa.

"Ang bilis nitong pinsan mo ah, isa pa sa mga heartrob dito sa campus." bulong ni Catriona sakin kaya napatingin ako sakanya.

"Heartrob ano yun?" takang tanong ko sakanya, di ko kasi alam yun kaya nagtatanong ako.

"Psh, pati ba naman yun di mo alam. Ang heartrob po ay sikat na lalaki sa buong campus, kilala sila at popular sa campus." sabi niya pero wala pa rin akong naintindihan, bahala na nga, sikat lang naintindihan ko eh. Di na ako muling nagtanong pa, at kumain nalang ako.

Tahimik lang ako kumakain habang si Maxwell ay nakikipagkwentuhan kay Alonika at eto namang si Yuri at Catriona ang nagkwekwentuhan, sa maikling panahon ko sa taon na to ay marami na kong nakilala agad, at mga naging kaibigan ko pa sila. Nasa ganun akong pag-iisip ng may nagbuhos ng tubig sakin na kinagulat ko. At ng tingnan ko kung sino gumawa nun ay tinawanan niya lang ako.

"Ooppss..di ko sinasadya." sabi nung babae at tinaasan ako ng kilay tsaka tumawa kasama mga kasama niya. At nagtawanan rin ang lahat ng narito sa kantina.

Napatayo ako at tiningnan ang uniporme ko na basang-basa.

"Aljean, ano ba? Inaano ka ba ni Aera." sigaw ni Catriona sakanya.

"Inaano niya ba ako? Wala naman, masyado na kasi kayong nagiging mapapel sa campus." nakangisi na sabi niya at tsaka tinapunan ulit ako ng tubig, di ako makapagsalita dahil labis na kong nahihiya sa ginagawa niya. Sino ba sila? Ano bang ginawa ko sakanila.

"Aljean, tumigil na kayo." sigaw ni Maxwell sakanya.

"Oh, tumigil na raw tayo." sabi niya sa katabi niya pero kunwareng nag-isip ito at humarap samin.

"Bakit naman kami titigil, nagsisimula palang kami." nakangising sabi niya sakin at sabay-sabay silang nagtinginan at umalis ng kantina, agad naman akong nilapitan ng mga pinsan at kaibigan ko at pinunasan ako.

Hanggang sa biglang sumulpot si Ethan at nagtataka sa nangyayari..

"Anong nangyari kay Aera?" nag-aalalang sabi niya ng makita ako.

"Napagdiskitahan siya ng grupo nila Aljean." sagot ni Catriona sakanya.

"Tara na sa cr, may extra akong dalang uniform ate." sabi ni Alonika, nanatili akong di nagsasalita at nagpahila nalang ako sa kanila palabas ng kantina.

Di ko alam kung ano sasabihin ko? Dahil ngayon kolang naranasan ang ganto sa buong buhay ko.

Sino ba sila? Wala naman akong ginagawa sakanila.

To be continued..

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status