Share

Kabanata 12

Ethan

Di ako makapaniwala sa nangyari kay Aera, nagulat talaga ako ng marinig ko sa labas kanina na may binully na naman ang means girl.

"Ate, kasya ba sayo yung uniform?" tanong ni Alonika kay Aera, nasa labas kasi kami ng cr. Bale si Aera lang nasa loob para magbihis.

"Oo, Alonika. Salamat sa uniporme na eto." sagot pabalik ni Aera sakanya.

Nagulat nga ako ng makita ko silang magkakasama sa table nila Maxwell at Rafael. At itong si Rafael ay clingy dun kay Julia. Oo kilala ko siya, taga doon rin kasi ako sa Poblacion Indang. Yung dalawa lang nilang kasama ang di ko kilala.

Pero di yun ang priority ko ngayon, mahalaga sa akin ngayon ang kalagayan ni Aera, nalate ako ng pasok dahil nga marami nainom ko kagabi. At etong si Rafael, mukhang nadaya kami ni Steven kagabi.

At nagtext sakin si Steven na papasok na rin siya, para kausapin ang girlfriend niya at para makatapak daw siya ulit sa tree house.

Minsan kasi ang pinag-aawayan nila ni Jannine ay dahil sa palaging palaabsent ni Steven sa klase, matalino sila parehas pero tamad lang talaga si Steven parang kami ng barkada niya.

Maya-maya pa ay lumabas na si Aera, at halos sabay kaming lumapit ni Maxwell sakanya.

"Okay ka lang ba?" halos sabay na tanong namin ni Maxwell sakanya kaya nagkatinginan kami. Nagulat naman si Aera sa ginawa namin ni Maxwell.

"Oo, okay lang ako." nag-aalangang sagot ni Aera samin, kaya napaatras kami ni Maxwell.

"Mukhang may bagong nahuhumaling sa ex ko." rinig kong bulong nung lalaki na kasama nila.

"Eh, maganda naman kasi iyang si Aera, sinayang mo lang talaga siya Yuri." pang-aasar ni Catriona sakanya. Kaya sinamaan siya ng tingin ni Yuri

"Di ko siya sinayang, naging toxic lang talaga lahat." depensa ni Yuri sa sarili.

Ex niya si Yuri? Paano? Kasi di halata heto kasi sila at close pa rin.

"Ex mo si Aera?" takang tanong ni Rafael kay Yuri, kaya napayuko si Yuri at agad rin namang sumagot kay Rafael.

"Oo, matagal na rin naman kaming wala. At masaya ako sa friendship na meron kami." nakangiting sabi ni Yuri kay Aera, at ningitian naman siya ni Aera.

Nag-aayos kasi ng buhok niya si Aera, at tinutulungan siya ni Alonika.

"Oy guys, anong meron at narito kayo?" biglang sulpot ni Steven at kasama na si Jannine, mukhang okay na sila. Psh ganyan naman kasi yang dalawang yan.

"Teka guys, diba wala na naman tayong klase after ng lunch dahil cut ang klase. Gala kaya tayo." biglang yaya ni Catriona samin, kaya napatingin kami sakanya.

"Oy gala sama kami." sabat ni Jannine.

"Ikaw? Aera sama ka ba?" tanong ni Yuri sakanya.

"Oo sasama ako, makalimutan ko lang sandali yung nangyari sakin sa kantina kanina." sagot niya, at ng pumayag si Aera ay pumayag na rin kami lahat.

Eto yung unang beses na lalabas kami na hindi lang kaming apat ang magkakasama plus girlfriend ni Steven kundi ay may kasama kaning mga bagong kaibigan. Putspa sayang wala si Azrael, walang gurang.

"Saan pala tayo pupunta?" tanong ni Aera samin, kaya nagkatinginan kaming lahat.

Oo nga no? Saan kami pupunta?

"Sa ilog paraiso." nakangiting sabi ni Alonika samin.

Paraiso? Saan yun?

Napansin naman namin ang pagtikhim ni Aera. Kaya ng tingnan namin siya ay ningitian lang niya kami. May problema ba siya sa paraiso?

Matapos nun ay kanya-kanya na kaming sakay ng kotse, sakay ni Aera sina Alonika at Julia.

Habang ako ay sakay ko ang magjowa na si Jannine at Steven.

Solo naman sa kotse niya si Maxwell. Habang si Rafael ay sakay si Yuri at Catriona mga kaibigan ni Aera.

Habang nasa biyahe, di pa rin mawala sa isip ko ang reaksyon ni Aera ng sabihin ni Alonika na sa ilog paraiso kami pupunta, ano bang meron dun? At ganun nalang gulat mo Aera?

Anna Luisa

Si Alonika muna pinagmaneho ko dahil di ko pa rin lubos maisip na sa ilog paraiso kami. Ang lugar kung saan ako dinala ni Juancho noon.

Nanadya ba talaga ang tadhana? O ako lang nag-iisip ng ganun.

"Ah, Julia nakapunta ka na va sa ilog paraiso?" tanong ko kay Julia kaya napalingon siya sakin.

"Oo naman ate, nung nagtapat sayo si Yuri di mo na ba maalala ate. Dun mo sinagot si Yuri." nakangiting sabi niya sakin.

Eh? Doon rin nagsimula ang lahat kay Aera at Yuri. Paanong parehas kami? Nagkataon lang ba to? O talagang nakatakdang maganap yun.

"Ah, oo nga pala." pagsang-ayon ko nalang kahit di ko alam kung anong nangyari nung araw na yun.

Aera, bakit parehas tayo? Di ko na alam ang gagawin ko dahil nakakapagtaka namang kailangan ay parehas kami.

Pero di ko pa rin maiwasan isipin, kung ano ng itsura ng ilog ngayon? Kung katulad pa rin ba ito ng dati? O marami ng nagbago rito, katulad sa hacienda bonifacio.

Maya-maya pa ay nakarating na kami, agad pinark ni Alonika ang kotse ko at nagbabaan kami. At natigilan ako ng makita ko ang puno kung saan inaawitan ako ni Juancho noon, kaya naluluha akong lumapit at nanakbo rito. May inuukit kami doon eh, mga pangalan namin.

Nagtataka namang tinawag nila ako pero di ko sila nilingon, at pagdating ko sa puno ay nagulat ako na wala ng nakasulat. At ibang pangalan ang nakaukit..

Paanong nawala ang pangalan namin ni Juancho dito? May nagbura ba? Pero imposibleng mabura yun.

Bakit ganun?

"Ate, ano bang tinitingnan mo diyan?" tanong ni Alonika sakin kaya dali-dali kong pinunasan ang luha ko at tsaka nilingon siya, at doon ko lang napansin na kasama na niya pala ang iba naming kasama papunta rito maliban kay Ethan, mukhang may ginagawa pa sa kotse niya.

"Ah, wala. Bakit nga pala ito ang napili mong lugar na puntahan natin?" tanong ko sakanya.

"Naikwento ng mga Lola at Lolo natin na dito raw sa Ilog paraiso nagpakamatay si Tita Anna Luisa, ng dahil sa pag-ibig.." sagot niya sakin. "..kaya mahalaga ito sa buong angkan ng Bonifacio, di na rin kasi nakita ang bangkay ni Tita Anna Luisa kaya eto nalang ilog na to ang natitirang aalala niya." dagdag niya pa..

Nagpakamatay ako dito?

"Ay grabe naman pala nangyari sa Tita Anna Luisa niyo apakasaklap." umiiling na sabi ni Rafael samin.

"Maganda at kamukha siya ni Aera, si Tita Anna Luisa. Ngunit wala siyang litrato sa Hacienda dahil sa di malamang dahilan ayaw magpapinta nito sa mga pintor noon. Gusto niya ay si Juancho lang, pero di nangyari iyon." dagdag na kwento ni Julia.

Bakit wala akong maalala na may ganun akong ginawa noon? Bakit ganto? Bakit parang ibang Anna Luisa ang kwinekwento nila sakin?

"Juancho, kilala ko yun ah." biglang sulpot ni Ethan sa usapan.

"Eh, edi alam mo na may Anna Luisa at Juancho noon nag-iibigan?" tanong ni Steven sakanya.

"Oo naman, alam ko din nangyari sakanila. Si Juancho kasi ay Tito ko." sagot ni Ethan samin.

Tito niya si Juancho, kaya pala kamukha niya.

"At sabi pa nila sakin na halos para kaming pinagbiyak na bunga ni Tito Juancho." dagdag niya pa.

"Hala same kayo ni Aera, kamukha niya rin ang Tita Anna Luisa namin." namamangha na sabi ni Alonika samin.

Maya-maya pa ay naisipan naming umupo sa damuhan at damhin ang kakaibang simoy ng hangin ng ilog paraiso, at patuloy ko ring sinasariwa  na sa lugar na to ay minsan kaming nagsama ni Juancho.

To be continued..

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status