Share

Chapter 9

Pumasok ako sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko at diretso nagbihis.

Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso ako sa counter, walang masyadong bumibili dahil wala namang estudyante ngayong araw wala ding masyadong taong dumadaan kaya kakaunti lang ang costumer ngayon.

Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin, napansin kong napakalaki ng eyebags ko.

Kasalanan to ni Akio!

Hindi ko alam kung anong dahilan niya at bakit niya ginawa iyon. Nanatili akong nakatulala sa harap ng salamin.

"Hoy okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala tsaka tingnan mo nga yang eyebags mo anlaki, natulog ka ba?" sabi nito habang pinipindot pindot ang pisngi ko.

"Natulog ako, may iniisip lang." i forced a smile.

"Sigurado ka?" paniniguradong tanong nito.

"Oum yes."

"Okay, mamaya makukuha na natin yung sahod natin, may balak kang puntahan?" Iris asked.

"Mall, titingnan ko yung gusto ni mama ireregalo ko sa kanya next week." i plastered a smile.

"Samahan na kita, may bibilhin din ako e." sambit nito.

I nodded.

Bago tumingin sa costumer na kadarating lang agad kong kinuha ang order nito at ibinigay kay Iris.

Maghapon kaming nagtrabaho ni Iris, kaibahan lang ay kakaunti ang bumibili sa araw na 'to.

"Iris and Kesh come here." tawag samin ng manager namin.

Binigay nito ang isang buwan na sahod ko.

"Thank you sir!" masiglang sambit ko rito.

"You deserve it, pinagpaguran mo iyan." ngumiti ito sa akin bago lumapit kay Iris.

Alas otso y media na kami natapos sa pagtatrabaho, dadaan pa ako sa mall kasama si Iris kaya nagpaalam na rin kami sa manager namin.

Nilakad namin ni Iris ang pinakamalapit na mall sa coffee shop na pinagtatrabahuhan namin.

"Saan ka titingin?" tanong nito sa akin.

"Sa appliances." tipid na ngiting sagot ko rito.

"Ganun ba? Daan muna ako Nike ha? Bibilhan ko din kasi ng regalo ang kapatid kong lalaki." ngumiti ito sa akin.

"Sige kita nalang tayo ulit dito pagtapos." balik na sagot ko rito.

Tumango ito bago magpaalam at umalis.

Pumasok ako sa appliances store at tumingin ng ireregalo kay mama, ngunit wala doon ang gusto niya kaya umalis rin ako agad at inantay na lang si Iris.

Dumating si Iris na may hawak na paper bag galing sa nike.

"Oh, wala kang nabili?" tanong nito.

"Nagkaubusan na raw ng stock, titingin na lang ako sa ibang shop." sagot ko rito at ngumiti.

"Tara na? May bibilhin ka pa ba?" tanong ko rito.

"Wala na tara."

Lumabas kami ng mall at nagpaalam sa isa't isa, magkaiba kasi ang way na uuwian namin.

Nagabang ako ng taxi o kahit jeep na daraan para makasakay pauwi.

Ngunit wala ng dumaraan pasado alas dyis na rin kasi ng gabi.

Napagpasiyahan kong maglakad nalang para makauwi na. Habang naglalakad ako ay may nararamdaman akong sumusunod sa akin.

Mas nilakihan ko angmga hakbang ko ng maramdaman iyon.

Sa 'di kalayuan may nakita akong pader na pwedeng pagtaguan, dali dali akong naglakad papunta roon at nagtago.

Pinakiramdaman ko ang taong sumusunod sa akin kung nasa likod ko pa rin ito.

Dahan dahan kong kinuha ang cellphone ko sa aking bulsa para humingi ng tulong, ngunit tanging number lang ni Ash at Nate ang narito. Pinindot ko ang number ni Ash at bahagyang umikot sa pwesto ko para sumandal sa pader na pinagtataguan ko.

Nanlaki ang mata ko ng may makita akong dalawang lalaki na nasa likuran ko lang. Agad tinakpan ng isang lalaki ang bunganga ko ng isang puting panyo.

Nahilo ako sa amoy nito at agad na nanlabo ang mga mata ko. Ilang sandali pa ay may narinig akong boses na nanggagaling sa cellphone ko.

"Tulong!" yun lang ang salitang lumabas sa bibig ko bago agawin ng lalaki ang cellphone ko.

"Ayos 'to pre, chix!" narinig kong sambit ng isa.

"Wag po, please." pagmamakaawa ko.

"Kunin mo na' yan pre." utos pa ng isa.

Hinawakan ng isang lalaki ang bewang ko.

"Kuya w-wag po, wag p-po." pagpupumiglas ko rito.

Ngunit parang wala lang itong naririnig. Ilang beses pa akong nagmakawa pero wala lang ito sa kanila.

Pinilit nila akong hilain papunta sa maliit na eskinita na malapit sa pinagtaguan ko.

Hindi ko ito maaninag dahil sa nahihilo na rin ako, ngunit alam kong malapit lang ito dahil mabilis lang nila akong hinila papunta roon.

Nagtaasan ang balahibo ko ng maramdaman ko ang paghawak ng isang lalaki sa mga hita ko.

Sinipa ko ito. Tinalian nito ang paa at kamay ko sa ginawa ko at itinuloy ang paghimas ng magaspang niyang kamay sa hita ko.

Bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Tulong! T-tulong! Tu-" sigaw ko ngunit bigla akong sinikmuraan ng isang lalaki.

Nanghina ako sa paninikmura nito at malapit ng mawalan ng malay. Naramdaman kong may humahalik sa may bandang leeg ko.

Tangina. Tulungan nyo ako.

Unti unting nagblured ang paningin ko and everything went black.

Akio's POV

Nang makaalis si Kesh ng condo, hindi na ako tinigilan ni Ash sa panunukso.

Aish. Ang ingay niya.

"Yie, ikaw ha, dumadamoves!" tinusok tusok pa nito ang bewang ko.

Binatukan ko ito dahil sa kakulitan nito.

"Aray naman!" reklamo nito.

"Ang kulit mo." pinitik ko pa ang noo nito.

"Ouch, ano ba?!" daing nito habang napipikon na.

I chuckled a bit.

Biglang sumeryoso ang mukha nito, kung kaya't napatingin ako rito.

"Pero seryoso, may gusto ka ba kay Kesh?" tanong nito.

Do i have?

"I don't have." i lied. I like her. I like Kesh.

"Lul? Hindi nga? Maganda si Kesh, Mabait." pagpuri pa nito kay Kesh.

"Yeah."

She's kind, cute and soft-hearted girl that's why i like her.

"Hey! Hindi nga? Bakit ganun ka umakto pag andiyan siya?" pangungulit pa nito.

Pinitik ko ulit ang noo nito.

She blinked and her forehead creased.

"I just want to be kind at her because she's kind too." I plastered a smile.

"You don't need to hide it, I'm your best friend right? Do you trust me or not?" she raised a brow.

"Of course i trust you." i smirked.

"Bakit hindi mo kayang sabihin sa akin? I know you like her." she grinned.

"Eh bakit nagtatanong ka pa?" pagsusungit ko rito.

"I want to hear it from you, i caught you." ngayon naman ay seryoso ang mga mukha nito.

Saan niya ako nahuli?

"Where? When? And about what?" i asked.

"I caught you, you kissed her right? Tell me do you like her?" she grinned again.

"Oh okay, I like her. Don't you ever say it to her!" pagbabanta ko rito.

"I knew it! My ship is sailing!" she giggled.

Maghapon lang akong inasar ni Ash at pinagbabantaan ko lang ito, natatakot akong malaman ni Kesh baka ay umuwi nalang bigla rito.

Alas syete na ng gabi ay wala pa rin si Kesh.

"Hindi ka ba uuwi sa condo mo?" tanong ni Ash sa'kin.

"Hindi, makikikain muna ako dito wala pa akong grocery sa condo dahil nagpunta ako rito." sambit ko rito habang nanonood.

"Kasalanan ba naming pumunta ka rito ha?!" pasigaw pa na sambit nito.

"Ano ba ang ingay ingay mo mabibingi na ako sayo eh!" sigaw ko rin dito.

"Magluto ka na nga roon, bayad mo sa pagkain mo rito aba!" tinulak pa ako nito na muntik ko ng ikalaglag sa sofa.

"Oo na ma'am! Anong oras nga pala uwi ni Kesh? Anong oras na ah?" tanong ko rito.

Ngumisi ito at tiningnan ako ng mapangasar.

"Hindi kasi pare-pareho ang uwi non minsan ay overtime siya minsan naman sobrang aga, pero mukhang overtime sila ngayon." sagot nito.

Dumiretso ako sa kusina at nagluto ng ulam nagsaing na rin ako para pag uwi ni Kesh ay makakain rin ito.

Mahigit isang oras din ang naubos dahil sa pagluluto ko.

"Hoy! Maliligo muna ako ha?" pagpapaalam nito.

I nodded.

Umalis ito sa pagkakaupo sa sofa at dumiretso sa kwarto niya. Inahon ko ang niluto kong ulam at isinalin sa malalim na mangkok.

Nagulat ako sa biglang pagtunog ng cellphone ni Ash, tiningnan ko kung sino ang tumatawag roon nakita ko ang pangalan ni Kesh kaya sinagot ko ito.

[Tulong! Tulong! Tu-] sigaw nito sa kabilang linya.

"Kesh?! Asan ka?! Kesh! Kes-" naputol ang tawag kaya nagmadali akong nagayos at kinatok si Ash.

"Aalis muna ako saan nagtatrabaho si Kesh?!" sigaw ko rito.

Hindi ito sumagot kaya kinuha ko ang susi ng sasakyan ko na nakalapag sa table na nasa sala.

Tumakbo ako papasok sa elevator. Nang makababa ako sa ground floor ay mabilis kong tinakbo ang parking lot at pinaharurot ang sasakyan ko.

Habang nasa sasakyan ay binuksan ko anh cellphone ko at sinubukang itrack ang location ni Kesh, hindi naman ako nabigo at nakuha ito.

Mabilis akong nagtungo rito.

Dahan dahan ang bawat paghakbang ko upang walang makaramdam na may tao roon.

May narinig akong maliliit na boses sa isang maliit at masikip na eskinita sinilip ko ito at hindi ako nagkamali na naroon yun.

Dalawang lalaki ang naroon at nakahandusay sa sahig si Kesh na walang malay.

Nakita kong hinalikan ng isang lalaki ang leeg ni Ash agad na sumama ang tingin ko rito.

Lumapit ako rito ngunit hindi nila iyon naramdaman.

"Ako na mauuna pare, ako naman ang nakakita rito eh." sambit noong lalaking may tatlong hikaw sa tenga.

I clenched my jaw.

Hinawakan ng lalaking yon ang hita ni Ash pati rin ang braso nito at pasimpleng binuhat.

"Saan mo dadalhin iyan?!" tanong ko rito habang pinapatunog ang mga daliri ko na handa ng manuntok ng tao.

"Anong pake mo?" maangas na sagot nito.

Lumapit sakin ang isang lalaki at inanmbahan ako ng suntok. Umilag ako at sinuklian siya ng suntok.

Natumba rin agad ito sinikmuraan ko pa ito, tinapakan ko ang sikmura nito ng makitang gumalaw ang mga daliri nito, dahilan para sumigaw siya sa sakit.

Agad kong nilapitan ang lalaking may hawak kay Kesh.

"Bitawan mo siya." mariing sabi ko rito.

"Bakit ko naman siya bibitawan?" nginisian pa ako nito.

Sa sobrang gigil ko sa ginawa niya kay Kesh ay sinuntok ko ito ng paulit ulit at hindi tinigilan hanggang sa nawalan na ito ng malay.

Binuhat ko ang walang malay na si Kesh at dahan dahang isinakay sa backseat ng sasakyan ko.

Pinaharurot ko ulit ang sasakyan ko pauwi sa condo ni Ash. Binuhat ko ito paakyat sa unit ni Ash.

Kumatok ako ng bahagya ng makitang sarado ang pinto nito.

Agad naman niya itong binuksan at halatang katatapos lang sa cr.

"Bakit di mo sinab- Oh my God!" nagulat ito ng makitang buhat ko si Kesh at wala pang malay.

Dinala ko ito sa kwarto nito at inihaga sa kama.

"Punasan at bihisan mo siya, pagkatapos mo riyan ay dumiretso ka sa sala tskaa ko sasabihin ang nangyare." seryosong sabi ko rito at lumabas na ng kwarto.

Naguluhan man ito ay sinunod niya nalang ito.

Makalipas ang sampung minuto ay lumabas rin si Ash ng kwarto at dumiretso sa sofa para tumabi sa akin.

"Anong nangyare kay Kesh? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" halos maluha pa ito ng magtanong sa akin.

Umigting ng bahagya ang panga ko. Siguro ay nagalala ito.

"Nagpaalam ako sa iyo kanina baka hindi mo lang narinig, muntik na siya marape." sinulyapan ko ito bago kumuha ng tubig sa ibabaw ng lamesa.

Nagtakip ito ng bunganga ng marinig ang nangyare.

"Nagising siya ng binihisan ko siya pero umidlip uli ito." sabi nito sa akin.

I nodded.

"Wag p-po.." nabasag ang tinig ni Kesh ng marinig namin iyon.

Agad kaming nagunahan ni Ash na pumasok sa kwarto nito. Bahagya itong nakaupo at nakayuko ang ulo sa kanyang mga tuhod habang umiiyak.

Nilapitan ito ni Ash ay niyakap. Kumuha ako ng tubig na mapapainom sa kaniya at bumalik sa kwarto. Inilapag ko ang tubig sa side table at umupo sa kama. Lumabas si Ash para maghanda ng pagkain ni Kesh.

"Hey, I'm here," pagaalo ko rito.

Umiyak pa lalo ito kaya niyakap ko siya at tinapik tapik ang likod nito.

"W-Wag po. T-Tulong."paulit ulit niya itong sinasabi.

"Hush now, I'm here." niyakap ko ito ng mahigpit at pinunasan ang mga luhang pumapatak galing sa mga mata nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status